XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)

20.9K 301 55
                                    

(Kathryn)

"Nakakainis! Ba't kasi wala pa akong nagiging girlfriend?"

Last night na namin ngayon dito sa camping site. Last night na pero hindi pa rin kami nagkakausap ni Daniel. Kailangan muna siguro namin mag-isip-isip. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sapagkat nasabi ko na rin sakanya kung anong nilalaman ng puso ko. Nagtipon-tipon kaming magbabarkada at gumawa ng bonfire. Ang astig nga, eh. Parang camping talaga. Katabi ko si Khalil at malayo si Daniel sa akin. Katabi niya si CJ. At hindi naman siguro manhid ang mga kabarkada namin para hindi mapansing may pagkakalabuan kami ni Daniel.

"Bading ka kasi." Komento ni CJ.

"Ikaw kasi ang lumapit. Hinihintay mo pa kasing kapitan ka. Ikaw kaya ang lalake. In case, nakalimutan mo." Mataray na saad ni Miles.

Sinamaan lang ni Khalil ng tingin ang dalawa.

Tumayo si Khalil at inayos ang shirt niya. "CLASSMATES! AVAILABLE AKO! SINONG GUSTONG MAGING GIRLFRIEND KO? DALI, OPEN SEASON NGAYON!!"

"Papa Khalil, I volunteer!" Malanding wika ni Harishka, ang bading naming kaklase.

Nakita kong napasign of the cross si Khalil. Tumawa ang barkada. Tanging kami lang ni Daniel ang hindi sumasali sa kulitan ng barkada. Sa nangyari sa amin, mahirap ngumiti. Nakakatakot. Nakakatakot ang susunod na mangyayari sa aming dalawa.

 "Wag ka ng choosy, Khalil. Chance mo na par magkaboyfriend!" Sabi ni Julia. Tiningnan niya si Harishka at tinap ito sa balikat. "Boto ako sayo 'teh. Push mo lang!" 

"HUMANDA KAYONG MGA HALIMAW KAYO!!" Sigaw ni Khalil.

Tumakbo si Miles, Julia at CJ sapagkat hinahabol sila ni Khalil. Nasa likod naman ni Khalil si Harishka, hoping mapansin siya ng papa Khalil niya. Kami nalang ang naiwan ni Daniel dito. Tatayo na sana ako para pumasok sa tent pero hinawakan niya ang braso ko.

"Usap tayo." Sabi niya at nauna ng maglakad.

Sinundan ko siya at nasa may lake na kami banda. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. Niyakap ko ang sarili ko sapagkat malamig ngayon at nakashirt lang ako.

"Pinapapunta tayo ni lola sa kanila pagkatapos ng camp." Tiningnan ako ni Daniel. "Pero sa nangyayari sa atin ngayon, alam kong ayaw mo ako makasama. Nasabi ko kay lola na... na nagkaroon tayo ng labuan. Maiintindihan naman niya siguro kung hindi ako sasama."

Kokontra sana ako sa sinabi ni Daniel ngunit biglang nagvibrate ang phone ko. Dali-dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag at number ito sa bahay ni lola.

"Lola?''

"Ah, hija, hindi ito ang lola mo. Kaibigan niya ito!"

"Nasan po si lola? May problema po ba?" 

"Eh, kasi itong lola mo.. may sakit. At kung hindi raw kayo pupunta dito ng boyfriend mo, hindi raw iinom ng gamot. Naku, hija, pumunta na kayo dito."

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon