(Daniel)
Linggo ngayon at magsisimba kami ni Kathryn. Umuwi muna si Aling Melinda sa kanila at babalik bukas. Maayos na rin ang pakiramdam ni Kathryn at kumakain na ulit siya. Dapat lang."Ready na ako, kuya." Sabi ni Kathryn habang bumababa ng hagdanan.
"Wow, nasa langit na ba ako?"
"Pinagsasabi mo, kuya?!"
"Para ka kasing anghel." Wika ko at kinindatan si Kathryn.
(Kathryn)
"Para ka kasing anghel."Hindi naman ako magpapatalo, mwahahaha!
"Nasaktan ka ba?" Nilapitan ko si kuya at hinawakan ang mukha niya.
Hinawakan ni kuya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. Ngumisi siya at para bang inosenteng lalake. "Ha? Bakit naman?""Hulog ka kasi ng langit." Nakangiti kong saad sa kanya.
Nagkatitigan kami ni kuya at bigla niya akong niyakap. Ibang-iba sa mga yakap niya dati. Punong-puno ng pagmamahal? Ewan ko pero ang sincere ng yakap niya sa akin ngayon. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ayaw ko bumitaw at parang walang gustong bumitaw.
"Kathryn?"
"Hmmm?"
"Wa-wala. Punta na tayo sa chapel."
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay. Nilock ni kuya ang main door at main gate. Naglakad kami papunta sa chapel. Malapit lang naman ito sa bahay. Makalipas ang isang oras, natapos na ang misa. Nagsialisan na ang mga tao. Lumuhod muna ako para kausapin si Lord. Naramdaman kong lumuhod rin si kuya.
Lord, sorry po, ah? Sorry po kung sumuko ako kaagad. Sorry po kasi hindi ko pinapahalagahan 'tong buhay na pinahiram niyo sa akin. Pero aayusin ko na po lahat. Alam kong maikli lang ang buhay at kailangan kong i-cherish lahat ng segundong nandito ako sa mundo. Gagawin ko po 'yun, Lord. At sana hindi ko pagsisisihan lahat ng mga ginagawa kong desisyon. Salamat po, Lord, sa pagbibigay ng buhay na 'to. I love You po.
Umupo ako at nakita kong nakaluhod pa rin si Daniel, nagdadasal.
Siguro nga, hindi ka para sa akin.
Panahon na siguro para i-let go ka.Hindi muna kami umuwi ni kuya sa bahay. Nagcommute kami papunta sa Timezone. Ewan ko ba kay kuya, pwede naman siyang maglaro sa court, eh. Akala ko nga kakain kami kaya kami pumunta sa SM, yun pala, maglalaro siya ng basketball.
"Kuya naman, eh! Kung ayaw mong kumain, sa videoke nalang tayo!" Sabi ko kay kuya sabay pout. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagshu-shoot ng bola.