"KATH!!!!!" sigaw ko.
Napatingin naman silang lahat sa akin. Bad trip na bibig, parang may sariling kusa. Napapansin ko na kasi 'tong si CJ, eh. Kung ano-anong trip sa buhay. Parang may motibo kay bunso! Bad trip. "He-he-he, wala lang." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos akong kumain ay kumapit na naman si Julia sa braso ko. Takte, ang clingy ng babaeng 'to. "Hunnybunch, diba tapos ka ng mag-eat? Let's swim naman!"
"Busog pa ako, eh. Mamaya na lang kapag natunawan na ko." sabi ko kay Julia at ngumiti naman siya. Tss, ba't ba ako nababadtrip?
Pagkatingin ko kanila bunso ay akmang aalis sila ni CJ. Pusanggala, saan naman pupunta 'tong dalawang 'to? "O teka, teka, teka... san kayo pupunta?" tanong ko kanila Kathryn.
"Swimming, bro." sabi ni CJ tapos ngumiti kay Kath.
"Teka, ba't kayo lang? Sasama kami." sabi ko sa kanila. Hinawakan ko si Julia sa kamay at naunang maglakad papunta sa pool area. Nang tumigil kami ay binitawan ko ang kamay ni Julia. Tiningnan ko siya at para bang alien ako sa paningin niya.
Siguro, nagtataka siya kasi biglang nagbago ang isip ko.
Medyo nawala ang bad vibes ko nang magswimming kaming apat. Hindi ko naman maipagkakaila na nakakamiss etong mga kaibigan namin noong bata. Sila pa rin ang mga taong totoo sa amin. Bad trip lang si CJ kasi parang pinopormahan ang kapatid ko.
"Yayayain ko lang sila mama at papa para magswimming. Pati na sina tita at tito. Hoy, CJ, bantayan mo 'yang kapatid ko at tigil-tigilan mo ang pagpapacute mo diyan sa bunso ko!" sabi ko sa kanila at nakarinig ako ng tawanan.
"Bro, chill. Lumalaki butas ng ilong mo, eh." natatawang pahayag ni CJ.
"Kuya, bumalik ka ah?" sabi ni bunso.
"Balik ka, hunnybunch!" sabi naman ni Julia.
Tumungo na ako papunta sa room ni mama at papa para yayain silang magswimming. Pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kanila, nakita ko silang nag-uusap. Hindi ko muna sila ginulo kasi seryoso ang kanilang pinaguusapan. Hindi ako tsismoso pero hindi ko alam kung ano ang nagudyok sa akin para makinig sa usapan nila.
"Pero paano kung malaman niya?" tanong ni mama kay papa.
"Hon, everything will be fine. Hayaan na natin silang mag-enjoy muna. Alam ko naman na maiintindihan ni DJ ang lahat. Tsaka hindi pa natin nakikita ang kanyang tunay na magulang." sabi ni papa at hinawakan ang kamay ni mama.
Nagulat ako sa narinig ko.
Ako? Tunay na magulang?
Diba, sila ang tunay kong magulang?
Puta, joketime ba 'to?!
"No, hon. Kanina, may nagtext sa akin... sabi niya siya ang nanay ni Daniel. Natatakot ako, hon. Natatakot akong mawala si Daniel sa akin. Ayaw kong mawalan ng anak. Hindi ko kakayanin." sabi ni mama. Unti-unti nang tumulo ang luha niya.
Dahan-dahang pumasok sa utak ko ang aking mga narinig. Hindi ko alam kung nananaginip ako. Sana hindi ito totoo. Sila.. sila ang tunay kong magulang.
At si Kathryn, ang tunay kong kapatid... ang bunso ko.
"Wag kang umiyak, hon. Wag... wag mo munang isipin ang mga bagay na 'yan." sabi ni papa at hinalikan ang noo ni mama.
Hindi ako... ang tunay na ako.
Buong pagkatao ko... kasinungalingan.
Dahil sa mga nalaman ko, hindi na muna ako bumalik kanila Kathryn. Nanghihina ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang dapat maramdaman.
Nasaktan ako sa mga nalaman ko.
Punong-puno ng kasinungalingan...
Dumeretso ako sa kwarto namin ni Kathryn. Humiga ako sa kama. Bumalik sa akin lahat ng masayang alaala namin ng pamilya ko.
Ang sakit, sobrang sakit.
Narinig kong may nagbukas ng pintuan kaya napabangon ako. "Kuya, ang tagal mo naman. Kaya ako nalang pumunta dito." Tiningnan ako ni Kathryn at para bang alam niya may pinagdadaanan ako. "Kuya, may problema ka ba? Parang ang tamlay-tamlay mo, eh.."
Tiningnan ko siya sa mata."Kath... pano kung di mo talaga ako kuya?"
Bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap ni Kathryn sa akin. At parang babagsak ang luha ko sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.
"Kuya naman. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Ikaw, ikaw... ang kuya ko. Kahit anong mangyari, ikaw lang. Wag ka ngang magseryoso, di ako sanay." sabi niya sa akin.
"Hoy, ba't basa- Ba't ka umiiyak? Tumigil ka nga, Kathryn. Wag kang umiyak." mahinang saad ko kay Kathryn. Hindi pa rin niya binibitawan ang pagkayakap sa akin.
"Hindi ko kasi kakayanin, kuya. Hindi ko maimagine na hindi ikaw ang kuya. Lahat ipagpapalit ko, wag ka lang aalis sa tabi ko, kuya." sabi ni Kath.
Natahimik ako sa sinabi ni Kath.
Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang katotohanan. Masasaktan siya at ayaw kong masaktan si Kathryn. Masaktan na ako, wag lang siya.
Wag lang ang bunso ko.
Hinalikan ko si Kath sa noo. "Wag kang mag-alala, hindi ako mawawala sa tabi mo."
Hindi ko na alam susunod na mangyayari. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos. Magiging matatag ako... tuloy ang buhay.
Pagkalabas ko ng banyo, tulog na si Kathryn. Nasa kamay niya ang cellphone niya kaya kinuha ko ito at tiningnan. Nilapag ko ito sa table sa tabi ng kama at tinabihan si Kath. Magiging malakas ako para kay Kathryn... para kay bunso. Peksman.
@kitkath
"Natatakot ako..."END OF CHAPTER SEVEN
Thank you po sa pagbabasa!