"Ikaw ba ang magiging asawa ko?" tanong ko sa lalakeng nakamaskara na nakatayo sa harapan ko. Ang tangkad niya, pangmodel. Napakatangos rin ng kanyang ilong subalit hindi ko makita ang mata niya kasi nakamaskara siya. Grabe, pamysterious effect pa ang peg.
Nginitian niya lang ako. Aba, pipe pa ata ang soulmate ko.
"Hindi ka ba nakakapagsalita? Tsaka ba't nakamaskara ka?" muling pagtatanong ko sa lalake pero nginitian niya lang ako. "Pwede ko bang makita ang mukha mo?"
Unti-unting tinanggal ng lalake ang kanyang mask-,
"Bunso! Gising na!!!!" Nawala ang lalake na nakamaskara at binalot ng kadiliman ang aking paningin. Pusang kinalbo! Ginising na naman ako ni kuya.
Nandoon na eh. Malapit ko ng makilala ang soulmate ko, eh.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at sinamaan ng tingin si kuya. "KUYA!! MALAPIT KO NG MAKITA 'YUNG ITSURA NG SOULMATE KO, EH! DAPAT MAMAYA-MAYA MO NA AKO GINISING!!! WRONG TIMING KA NAMAN EH!!! ASAR!!!!!!" sigaw ko kay kuya.
"Takte, ang baho ng bibig mo, Kathryn." sabi ni kuya sabay takip ng ilong.
Uwaaaaa, kakagising ko lang pala. Hindi pa ako nagtutoothbrush!!! Tumakbo ako papunta sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko.
"WAHAHAHAHA! ANG BAHO TALAGA NG BIBIG MO, KATHRYN!!" sigaw ni kuya pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo. Argh, bad trip si kuya.
Dahil bad trip ako kay kuya kasi ginising niya ako sa isang magandang panaginip at inasar pa niya ako dahil (ehem) bad breath ako, hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako pababa at alam kong sinusundan ako ni kuya. Mwahahahaha! Makonsensya ka!!
"Uy, Kathryn... sorry na." sabi ni kuya sabay hawak sa braso ko para pigilan ako. Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. Mwahahaha, bad ka kasi, kuya. "Ililibre kita! Ililbre kita ng ice cream. Kahit gaano pa kadami. Basta ayos na tayo. Sorry na."
Hmmm... pwede na.
"Hmmm, pag-iisipan ko." sabi ko kay kuya. ICE CREAM, ICE CREAM, ICE CREAM. "Okay, apology accepted. Bati na tayo." nakangiti kong saad kay kuya.
Sabi ko sa inyo, eh, hindi tumatagal away namin ni kuya, eh. >___<
"Ang bilis mo mag-isip ah?" sabi ni kuya at inakbayan ako.
Tinulak ko siya palayo sa akin at binelatan ko siya.
"Ihanda mo na ang pera mo. Nagc'crave ako sa ice cream, eh. Magpapaalam na rin ako kay lola." nakangiti kong sabi kay kuya at tinulak siya pataas.
Mwahahaha. Inasar niya kasi ako. Ihanda na niya ang pitaka niya.