E P I L O G U E
(Kathryn)
"Kathryn!! Gumising ka na!!"
Ang sakit ng ulo ko. Pusang gala naman kasi! Wala akong payong kagabi kaya nabasa ako ng ulan. Naiiyak pa rin ako tuwing maiisip ko na wala na. Sarado na ang relasyon namin ni Daniel. Wala na 'yung kinababaliwan kong lalaki simula pa lang.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Pagkatapos ay sinamaan ko ng tingin si Miles. Ang aga-aga, ang lakas ng boses. "Pwede ba? Wag niyo muna ako istorbohin. Hayaan niyo na akong mamatay ng tahimik dito." Mahina kong saad at ipinikit ulit ang aking mata.
Hinila ako ni Miles kaya napabangon ako. "Rest in peace, ganon? Sira ka ba? Wag ka ngang masyadong bitter!" Bulyaw ni Miles sa akin.
"Kathryn, bumangon ka na." Aniya Julia.
Pusang gala! Bakit ba ang kukulit ng mga 'to?
"Ano ba? Alangan namang maging masaya ako, diba?! Ikakasal na si Daniel. Hindi sa akin. Sa tingin niyo ba matutuwa ako? Lintek naman, o!" Sigaw ko sa kanila. Napakaiyakin ko. Tumutulo na naman ang luha ko. Masakit na nga ang ulo ko, masakit pa ang puso ko.
Pusang gala naman talaga!
Nagkatinginan si Miles at si Julia at dali-dali akong niyakap. "Uwaaa, Kathryn. Wag ka ng umiyak. Hindi na ako sisigaw. Sorry na. Sorry na." Saad pa niya.
"Sorry na, Kathryn. Pero kailangan mong pumunta sa kasal ni Daniel." Aniya Julia.
Kailangan ko pa bang makita na ikakasal si Daniel sa iba? Baka gumawa lang ako ng eksena doon. Baka mahimatay ako sa sobrang sakit. Hindi.
Hindi ako pupunta.
"Hindi ako pupunta. Masakit ang ulo ko." Saad ko.
"Hay, fine! Pero sumama ka sa amin ni Julia. May party kaming a-attendan mamaya." Pagsuko ni Miles at bumalik sa maarte mode niya. Umupo ako at hinarap sila.
"Bawal tumanggi." Saad ni Julia.
Tch. Ang kukulit ng mga kaibigan ko.
Hindi talaga susuko alisin ako sa kamang 'to. "Ano bang party 'yan? Wala akong damit!" Sigaw ko sa kanila. Wala na rin naman akong magagawa. Mapilit ang dalawang ito.
Tumakbo si Julia sa closet ko at may kinuhang damit. WHAT THE HECK? Paano nagkaroon ng ganyang damit sa kwarto ko?! Ngayon ko lang nakita ang gown na 'yon.
"Teka, anong party ba ang a-attendan natin? Bakit kailangang nakawedding gown?!"
Letseng tadhana. Nang-aasar.
Kung wedding gown ang susuotin ko, mas lalo akong mabibitter!