@rinaclemente
"@kitkath Yay, nakita ko na rin Twitter mo! Sana makapunta kayo sa mini concert!! Mwah! ☺"@kitkath
"@rinaclemente Pupunta kami ni kuya. See you ;)""Kuya, dapat ikaw ang pinakagwapong lalake sa mini concert mamaya. Chance mo na rin 'to para maipagpatuloy ang naudlot niyong love story ni Rina." sabi ko kay kuya.
"Ulol. Walang naudlot." nakangiting sabi ni kuya.
"Anong wala? Kanina nga narinig ko na bumulong ka... sabi mo, 'ang ganda pa rin ni Rina'. Edi para mo na ring sinabi na love mo pa rin siya. Kaya wag ka ng magpatumpik-tumpik pa. Gumalaw ka na bago ka pa maunahan." Saad ko kay kuya.
"Lul ka talaga, bunso. Hindi naman porket sinabihan ko ng maganda ang isang tao ay mahal ko na agad siya. Bata pa kami nang magkakilala kami ni Rina. Wala pa kami sa tamang edad para sabihin na mahal na namin ang isa't isa." madramang litanya ni kuya.
Hindi ko ma-explain, pero sa sinabi ni kuya, gumaan ang pakiramdam ko.
Kumbaga, parang nabunutan ako ng tinik.
"Pero kailan ba ang tamang edad para malaman mo kung pag-ibig na talaga ang nararamdaman mo?" tanong ko kay kuya.
Nginitian niya ako at inakbayan. "Hindi ko alam. Wala akong alam. Pero nagpadalos-dalos kasi kami ni Rina. Dalawang linggo pa lang kaming nagkakilala pero akala namin pag-ibig na. Ngayong alam ko na ang dapat, tsaka ko lang nasabi na hindi iyon pag-ibig."
"Ang labo ng love, kuya. Kasing labo ng mga pinagsasabi mo." sabi ko kay kuya.
Ngumit ulit siya at ginulo ang buhok ko.
"Kaya nga wag ka munang pumasok sa isang relasyon. At magbihis ka na kasi pupunta pa tayo sa mini concert." sabi ni kuya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni kuya. Mamaya pa ata siya magbibihis, eh.
Pagkapasok ko sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko. Nakakatakot. First time ko 'tong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Isa lang ang alam ko, natatakot ako. Sana luksong dugo lang 'to. Sana hanggang doon lang. Sabi ni kuya, wag magpadalos-dalos.
Sana... wala lang 'to.
Ayaw ko... kasi alam kong mali.
Kupido... wag naman si kuya, please.
"BUNSO! WAG KA MAGBESTIDA O SHORTS! MAGPANTALON KA NA LANG!!!" sigaw ni kuya. Napangiti ako. Pusang kinalbo ka, kupido. Nakakabadtrip.
Nagpantalon ako at longsleeves, dahil sinabi ni kuya.