"Hello po, Aling Rosing." nakangiti kong bati kay Aling Rosing.
Ang laki ng bahay ni Aling Rosing! May third floor tapos may malaking pool sa likod ng bahay. Meron ding garden na sobrang ganda kasi ang daming flowers. Basta! Di ko maexplain. Basta. Para pa rin akong nasa paraiso!
Niyakap ako ni Aling Rosing nang makita niya ako. "Kathryn, iha. Ang ganda mo pa rin at dalagang-dalaga ka na ah? May boyfriend na ba?"
"Bawal pa po 'yan." singit ni kuya.
Niyakap rin ni Aling Rosing si kuya. "Aba, Daniel! Katangkad na bata. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging strikto mo sa kapatid mo ah?" natatawang sabi ni Aling Rosing. Pinagmasdan niya kami at para bang sinusuri. "Teka lang, nasan ang lola niyo?"
"Si lo-, Hala, nasan si lola?" Nagsimula na akong magpanic kasi kasama namin kanina si lola tapos biglang nawala. "Baka po naiwan namin sa sasakyan. Puntahan ko lang po." Pagpapaalam ko kay kuya at Aling Rosing.
Patakbo akong pumunta sa kotse at nasa loob pa rin si lola at naglalaro pa rin ng 2Fuse. Hanep si lola! Inuna pa ang paglalaro kaysa sa pagpunta sa kaibigan niya.
Kumatok ako sa may bintana at napatigil si lola sa paglalaro. Dali-dali naman niyang tinago ang iPad sa kanyang bag at lumabas ng kotse. "Hehehe. Hinahigh score ko kasi." sabi ni lola sa akin sabay peace sign. Uwaaaa, ang kulit-kulit ng lola namin ni kuya. Wahahaha!
"Tara na, lola. Iniintay ka na nila Aling Rosing." sabi ko kay lola at hinawakan siya sa kamay upang gabayan sa paglalakad.
Pagbalik namin sa bahay ni Aling Rosing, nasa kusina na sila at nakahanda na ang mga pagkain. Nginitian ni Aling Rosing si Daniel. Pero may kakaiba sa ngiti niya, parang may pinapahiwatig kay kuya. Ewan ko. Ang weird.
"Bambi!" sigaw ni Aling Rosing at niyakap si lola.
Tumabi naman ako kay kuya pero parang hindi niya ako pinansin kasi nakatingin siya kay Aling Rosing. Pusanggala, ang weird ng mga tao =_____________=
Ano bang meron kay Aling Rosing?
Habang kumakain kami, sulyap nang sulyap si kuya kay Aling Rosing. Uwaaaaa, may crush ba si kuya kay Aling Rosing? May itsura naman si Aling Rosing pero hindi pa rin makatarungan! Kaya ba hindi pa nagkakagirlfriend si kuya... kasi crush niya si Aling Rosing?
Uwaaaaaaaaa! >___________________<
Pagkatapos kong kumain ay biglang hinawakan ni kuya ang wrist ko at hinila ako papunta sa ewan. "Aling Rosing, paggamit po ng pool niyo ah. Magsiswimming lang po kami ni bunso. Thank you po!" sigaw pa niya.
Swimming? Eh, kakakain lang namin, eh!
Sobrang sakit ng kamay ko dahil sa pagkakahila ni kuya. Ang brutal, eh! Buti na lamang at binitawan niya ito nang marating namin ang pool area. Taray, area!