1st Night: Papasukin Mo Ako

22.5K 392 29
                                    

1st Night

Loki's POV:


'Kakatwa ang magandang babae na ito' sa isip-isip ko. Tingin ko ay mas bata siya ng kaunti kaysa sa taglay kong edad ng tao na labinwalong taong gulang.


"ANO?! KONTRATA?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin pagkatapos kong sabihing magiging alipin ko siya dahil sa isang kontrata.


"Oo. May mga batas kasi kaming mga bampira na mahirap baliin." paliwanag ko.


"B-bampira?!" may bakas na naman ng takot sa kanyang maamong mukha.


"Bampira ako. Pero sikreto lang nating dalawa yun. Alam mo kasi—hindi sa tinatakot kita. Pero kapag kinalat mo ang sikreto ko, mapipilitan akong patayin ang mga taong kinausap mo at pati na ikaw mismo."


"H-hindi naman ako mahilig magkalat ng sikreto. At saka wala namang maniniwala sakin kapag sinabi kong nakakita ako ng isang bampira!"


Tumango ako. "Mabuti at talagang pinahahalagahan mo ang buhay mo—"


"—Yung tungkol sa kontrata? Ano ba yun?"


Bago ako sumagot, pinulot ko ang aking espada at muling isinukbit sa aking likuran.


"Ang isang bampira at ang taong nainuman niya ng dugo ay nagkakaroon ng isang espesyal na koneksyon. Halimbawa, tayong dalawa. May pagkakataong malalaman mo ang mga iniisip ko. Pero hanggang doon lang. Ako, kaya na kitang kontrolin at pasunurin sa ayaw mo at sa gusto mo."


"Totoo ba yan?" duda man siya sa sinabi ko, iyon ang katotohanan.


Tumango ako. Ang hirap magpaliwanang! "Simple lang naman talaga ang dahilan kung bakit pinapatay namin kaagad ang mga taong iniinuman namin ng dugo. Kasi ayaw naming may nakakapasok na mababang uri ng nilalang sa aming sistema."


"Mababang uri ng nilalang?! Yabang mo! FYI, nag-iisang anak ako ng pinakamayamang magnate sa buong bansa tapos lalaitin mo lang ako?! Excuse me!"


"Lumuhod ka sa harap ko at humingi ng paumanhin." utos ko sa kanya.


Saglit siyang nawala sa kanyang sarili at lumuhod sa aking harap.


"Paumanhin, hindi ko po sinasadya ang mga sinabi ko." pagkatapos ng kanyang huling salita, nagbalik siya sa kanyang kamalayan.


"Bakit ako—nakaluhod?!"


Ngumisi ako. "Sinabi ko na sayo, master ako at ikaw ang alipin."


"H-hindi maaari!"


Tumayo siya at pumasok sa loob. Umupo siya sa gilid ng kama at tila umiiyak. Hindi ko na siya maaaring sundan pa sa loob.


Isa rin sa mga hindi mababaling batas naming mga bampira ay ang ipinagbabawal na pagpasok sa pamamahay ng kahit na sinong tao kung walang permiso mula dito.


"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya o hindi.


"S-Serenity.." sagot naman niya sa pagitan ng mga hikbi.


"Papasukin mo ako." sabi ko.


"D'yan ka lang! Wag kang lalapit sakin!" tumigil siya sa paghikbi. Waring napaisip.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon