8th Night:
Serenity's POV:
Kinabukasan ay ang itinakdang libing ni auntie Kristanna. Dumalo ako kasama ang aking mga magulang. Nag-alay ang aming pamilya ng pamisa para sa mapayapang paglalakbay ng kanyang kaluluwa sa pangunguna ng kura paroko ng aming bayan.Nagprosisyon kami tungo sa kanyang huling hantungan; doon sa tabi ng puntod na lagi niyang binibisita.
Ang puntod ni Dante.
Umuwi ako ng aming bahay na mabigat ang kalooban.
Gusto kong malaman ang katotohanan tungkol kay Dante pero natatakot naman ako.
Takot akong malaman na ang taong iniibig ko at ang taong iniibig ni Auntie Kristanna ay—
Tinakbo ko ang aking kwarto at kaagad kong binuklat ang talaarawan pagkahawak ko niyon.
Sinimulan kong basahin ang nalalabing mga pahina.
****
Kristanna's POV [Diary Entry]:
Ang akala ko ay tapos na ang lahat sa amin.Nagkamali ako.
Si Dante.. Buhay siya!
Kinagabihan pagkatapos ng kanyang libing, tulala ako sa isang sulok ng aking silid at kusang lumuluha ang aking mga mata.
Hindi ko matanggap. Kailangang makita kong muli ang puntod ni Dante upang mapaniwala ko ang sarili ko na wala na talaga siya habambuhay.
Kapag hindi ko gawin iyon ay hindi na ako makakapagpatuloy sa aking buhay. Makukulong ako sa alaala ni Dante.
Pagkagat ng hatinggabi, nakiramdam ako kung tulog na ang lahat. Pasimple akong lumabas ng mansiyon at tumungo sa simenteryo.
Lumuhod ako sa harap ng puntod ni Dante—
Nagulat ako at hindi maipaliwanag ang nangyari. May kamay na lumitaw mula sa ilalim ng lupa at waring gusto nitong makaahon.
Imbes na matakot ako, dagli akong naghukay.
Tumambad sa akin si Dante, na hinahabol ang kanyang hininga.
"Dante?"
"Kristanna.. Nagugutom ako.." iyon ang una niyang sabi kaysa itanong kung ano ang ginagawa niya sa ilalim ng lupa. Marahil ay nagkamali ang mga doktor. Pansamantala lamang sigurong nawalan ng ulirat si Dante ngunit naideklara nilang patay na.Yinapos ako ni Dante. Mahigpit. Saka niya ibinaba ang mukha sa aking leeg. Isa iyong kapangahasan pero hindi ako tumutol. Gusto ko ang ginagawa niya.
May tila bumaon sa aking leeg at kasunod noon ay namanhid ang buo kong katawan. Nang lumayo siya sa akin, kitang kita ko ang duguan niyang bibig. Nag-aalab ang nakakatakot niyang mga mata.
Doon ako nakaramdam ng matinding takot. Tumakbo ako palayo sa kanya. Habol-hininga ako hanggang sa makauwi sa aming mansion. Abut abot ang aking dasal.
Oh Diyos ko! Ano po ang nangyari kay Dante?!
Inakala ko na isang panaginip lang ang lahat. Ngunit kinabukasan naroroon ang sugat na ginawad niya sa aking leeg; maging ang bakas ng sarili kong dugo sa aking blusa ay nagpapatotoo sa mga nangyari.
Sinunog ko ang blusa na iyon.
Wala akong pinagsabihan tungkol dito.
****
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampirAvailable on Precious Pages Stores and soon on NBS for only P129.75 :)