2nd Night: Hindi Ako si Dante

18.5K 328 14
                                    

2nd Night:

Loki's POV:

Alas singko en punto na ng hapon. Awtomatikong nagising ang diwa ko. Ito kasi ang oras ng aking paggising araw-araw.


Muli akong naglakbay sa kadiliman ng ikalawang palapag.


Naghihintay na sa akin si ama sa komedor. Nakaupo siya at nagbabasa ng pahayagan. Nagtama ang aming paningin.


Sinalo ko ang ibinato niyang malamig na bloodpack.


"Kumain ka na at maghanda sa iyong tungkulin." sabi niya.

Tumango lang ako. Pinagmasdan ko ang kulubot niyang mukha. May bakas ng pagkainis doon. Bakit kaya?


"Kanina habang tulog ka, nakita ko ang duguan mong damit. Kung hindi ko pa sinuri ay hindi ko malalaman!"


Itim na leather ang suot ko kagabi, kaya't sa unang tingin ay hindi nga mapapansin kung may bahid man ng dugo iyon.


"Ano pong problema?" tanong ko.


Padabog niyang inilapag sa mesa ang pahayagan. "Ikaw ang pinakamakapangyarihang bampira sa buong mundo! Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na masugatan ng mga mahihinang bampira?!"


Di yata't isang pagmamalabis na sabihing ako ang pinakamakapangyarihang bampira? Iniisip ko na lang na dahil siguro ama ko siya kaya pinupuri niya ako.


"Ama.. Kapag gumamit ako ng lakas na higit pa sa sampung porsyento, madali akong magugutom." pagdadahilan ko.


"Pinakakain kita, kaya di uubra yang dahilan mo!"


Iyon na nga eh! Ayokong uminom ng dugo hanggat maaari!


"Kung kinakailangan, gamitin mo ang kapangyarihan mo hanggang ikalimang antas! Pakitaan mo sila ng tunay na takot!"


Napasandal ako sa mesa. Ganito na pala kadesperado ang ama ko?

Ako mismo ay kinatatakutan ang ikalimang antas.


Para sa hindi nakakaalam, sa ikalimang antas ng isang bampirang kagaya ko nagsisimula ang aming pagsasa-halimaw. Unti-unti ay mawawalan ng kontrol ang aming isip sa aming katawan; hanggang sa maging isang tunay na halimaw na kumakain ng tao.


"Oh siya.." sabi ko. Lumabas ako ng komedor at umakyat pabalik sa aking silid. Binuksan ko ang bintana at initsa ko ang hawak kong bloodpack na tumalsik sa bilis na limampung milya kada oras. Bahala na kung saan yun napadpad. Pagkatapos ay naligo ako dahil punung-puno ng dugo ang katawan ko.


Pagkabihis ko, kinuha ko ang espada ko at isinabit sa aking likuran.


Sunod ay tumalon ako sa bintana at naglahong parang bula.


Sa pagsanib ko sa hangin, naririnig ko ang bawat yabag at kaluskos ng aking mga target, naaamoy ko sila at alam ko kung may nabiktima sila o wala.


Idinilat ko ang aking mga mata na sa oras na ito ay normal ang kulay. Dinala ako ng hangin sa isang lumang simenteryo.


Takip-silim na at kulay kahel ang kalangitan. Sa di kalayuan ay may nakatayong isang matandang babae. Sa kanyang amoy, sigurado akong tao siya.


Lumapit ako.


"Mas makabubuti para sa iyo ang umuwi na. Maraming masasamang loob ang naglilipana sa gabi." sinabi ko sa kanya.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon