25th Night
Odin's POV:
"HAHAHA! Anong sabi mo? Tayo, magtutuos?!" tinawanan ni Ymir ang sinabi ko.
Tumawa din ako. "Bago ka magsalita diyan, kumawala ka muna sa patibong ko!"
"TAMPALASAN!"
Wala na si Serenity kung kaya't ito na ang huling laban ko.
Dadalawa lang ang posibleng mangyari: Ang mapatay ako ni Ymir o ang mapatay ko siya.
Kasama na dun ang hindi maiiwasang pagsasa-Jotunn namin.
Kinapa ko ang mga sugat ko na kagagawan ni Loki; hindi na naghihilom pa ang mga iyon.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking setro.
Tumitig ako kay Ymir. Pagod na ako.
Tama na ang limandaang taon. Handa na akong mamahinga pagkatapos nito.
"HANGIN!" ang nakahihiwang bugso ng hangin ay sumugat sa magkabilang braso ni Ymir.
Tumalsik ang kanyang dugo pero nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon.
Bigla akong may naramdaman sa aking katawan-- ang matinding daloy ng kapangyarihan.
Humahagikhik si Ymir. "Nararamdaman mo na ba Odin? Malapit ka nang mawala sa mundong ito, at isisilang
naman ang isang halimaw--"
"Tumahimik ka Ymir. Kahit maging Jotunn pa ako, hinding-hindi kita pakakawalan."
Napansin na ba niyang hirap na ako na ikulong siya sa kanyang kinatutuntungan?
"--Heh. Paano kaya kung gawin ko ito.. Makakaya mo pa kayang panatilihin ako dito sa pwesto ko?"
Ramdam kong lumakas ang aura ni Ymir.
Imposible!
Binabalak ba niyang sadyain na maging isang Jotunn na?!
Arrgh..
Napaluhod ako sa putikan. Masakit. Hindi ko na siya kayang kontrolin!
Tuluyan na nga siyang nakakawala mula sa aking mahika at nakakilos na ng malaya.
Inubos niya ang halos lahat ng anino sa buong paligid. Pinalibutan nila ako.
Itinutok ko ang aking setro sa itaas. "Tinatawagan kita, mahiwagang nilalang-- SLEIPNIR!"
Nagpakita mula sa manipis na hangin ang itim na kabayong walo ang paa. Ibinigay ito noon sa akin ni Loki.
Kumakain ito ng anino.
Hinabol niya ang mga anino at isa-isang kinain ang mga yun. Inubos ni Sleipnir ang mga alagad ni Ymir bago siya
naglaho.
Bumagsak si Ymir.
Nagbibitak-bitak ang kanyang balat; parang nababasag.
Sumunod din akong bumagsak. Ang nangyayari kay Ymir ay nangyayari na din sa akin. Pero siya-- halos nadudurog
na ang kanyang katawan.
"--Nagkakamali ka kung iniisip mong magiging Jotunn pa ako."
"Hindi ba?" tanong ko. Kung sana ay nababasa ko kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Ang mga saling-lahi kagaya ninyo lamang ang sumasailalim sa proseso ng pagiging Jotunn. Iyon ay
depekto ng aking dugo na patuloy na pinaglalabanan ng inyong katawan. At ako---"
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampirDalawang taon na ang nakararaan buhat ng magising si Loki na walang maalalang kahit na ano tungkol sa nakaraan-at kung bakit siya naging isang bampira. Dala na rin ng masidhi niyang kagustuhan na maibalik ang kanyang nawalang alaala, pinili ni Loki...
