20th Night
Serenity's POV:
Nyaah!
Tama ba ako ng dinig?!
MAHAL AKO NI FENRIR?!
O.. M.. G..
Pak!
Natisod pa ako sa isang maliit na bato.
Napakapit tuloy ako sa kanyang braso.
Pinahiya ko na naman ang sarili ko.
"Ayos ka lang? Wala ka yata sa sarili mo?" tanong niya.
Alam mo pala eh! Kasalanan mo 'to! Ginulo mo lalo ang isip ko.
Ano ngayon ang sasabihin ko?
Maghihintay ka ng isasagot ko hindi ba?
Wag muna ngayon.
Mag-iisip muna ako.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya. Binilisan ko ang lakad para maunahan ko siya.
"Hoy Serenity!"
Angas naman makatawag nito, FC lang.
"HOY SERENITY!"
"BAKET?!"
"Sabay tayong maglakad!"
Natanga ako. "Bakit ka sasabay, papasok ka rin ba sa school ko?!"
"Oo. Hindi mo ba napapansin, nakauniporme ako."
Di ko nga napansin, ngayon lang—-
ANO?!
NAKA-UNIFORM NGA SIYA NG SCHOOL NAMIN!
Saang sampayan niya sinungkit ang uniform?!
Wait lang.. Lahat ng mga polo at blouses ay may nakaburdang pangalan ng estudyante sa dibdib.
Heh. Magkakaalaman na Fenrir!
Hinawi ko ang darkblue overcoat na suot niya at binasa ang pangalang nakaburda.
Fenrir A.
OH?! As in?
"Ano bang ginagawa mo?" hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila niya ako palakad.
Kung makaasta siya parang hindi siya nagconfess sa akin kanina.
"Bitawan mo ako Fenrir. Ayaw muna kitang makita o makausap ngayon."
Tinitigan niya ako. "BAKIT?"
"Eh di ba—" parang natutunaw yata ako sa titig niya. "—kanina sinabi mo—"
Ngumiti siya. Alam niyo yun, yung ngiting nang-iinis?
"—Kung wala kang nararamdaman para sakin, madali lang sabihin na mahal mo si Loki, TAMA BA?"
Namula ang aking mga pisngi.
TAMA NGA SIYA..
Eh pero..
![](https://img.wattpad.com/cover/1114756-288-k349439.jpg)
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampireAvailable on Precious Pages Stores and soon on NBS for only P129.75 :)