23rd Night: Ang Lihim Ko

9.8K 99 13
                                        

23rd Night


Loki's POV:


Napagmasdan ko ang walang buhay na katawan ng babae sa aking harapan.

Duguan at hungkag ang katawan niya.

Aakalain mong isang mabangis na hayop ang gumawa niyon sa kanya.

Pinahid ko ang dugo sa aking bibig.

Kapaki-pakinabang ang ulan dahil inaanod nito ang mga bakas ng dugo na nasa akin.

Sana ay anurin din nito ang aking nagbalik na nakaraan.

Kasama ang aking lihim.

Ang lihim na pinakatatago ko ay simple lang.

Matagal na akong hindi bampira.

Isa na akong Jotunn.

Iyon ang bagay na natuklasan ni Freya habang nakikipagsapalaran siya upang maibalik ang aking alaala.

Iyon din ang dahilan kung bakit ko pinitas ang dahon ng Yggdrasil.

Gusto kong makalimutan kung ano ako.

Sa panahong inilagi ko sa Asgard, bawat taon ay tumataas ang aking antas at hindi ko yun binibigyang pansin.

Dumating ang araw na umabot na ako sa aking limitasyon.

Walang tamang salita upang isalarawan ko kung ano ang sakit na pinagdaanan ko habang ako ay sumailalim sa

pagpapalit-anyo sa isang napakalaking halimaw.

Masuwerte ako dahil walang nakasaksi sa aking pagsasa-Jotunn. Tiyak na tatapusin ako ng isa sa aking mga kapatid

kung nagkataon.

"--GUSTO KONG MAGING TAO! GUSTO KONG BUMALIK SA DATI KONG BUHAY!" paulit ulit ko iyong sinisigaw

sa kasagsagan ng aking paghihirap na parang isang dasal.

Nakumpleto ang aking transpormasyon subalit buo pa rin ang aking diwa.

Marahil ay dahil malakas pa rin ang damdamin ko bilang tao at talagang gusto ko na muling maging tao.

Kahindik-hindik ang aking hitsura.

Napilitan akong magtago sa isang balat-kayo na dati kong katawan.

Nalansi ko man si Ymir at aking mga kapatid, hindi ko maloloko ang aking sarili.

Alam ko kung ano ang tunay kong anyo.

"Ang dahon ng Yggdrasil ay may kakayahan upang gawing taong muli ang isang bampira." isang katangahan

ang narinig ko kay Heimdall isang araw.

Matagal ko na kasing alam kung ano ang mangyayari kapag pumitas ako ng dahon sa puno ng Yggdrasil.

Subalit nabuhayan ako dahil sa isang ideyang nabuo sa aking isip.

Gamit ang kapangyarihan ng Yggdrasil; mabubuhay akong muli simula sa umpisa; blangko ang isipan na tulad sa

isang bagong silang na sanggol.

Ngunit poproblemahin ko kung saan mapupunta ang aking katawan habang ako ay nakahimlay.

Sinakyan ko ang pang-uuto ni Heimdall. Dahil dun, naibalik sa aking taong ama ang katawan ko.

Paggising ko, wala na nga akong nalalaman tungkol sa aking nakaraan.

Natural sa isang nilalang na nawalan ng alaala na hanapin ang kanyang nakaraan.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon