15th Night: Ang Musika ng Kamatayan

11.1K 184 9
                                    

 15th Night

Serenity's POV:



Iniwan ko si Loki sa gitna ng mga pares na nagsasayaw sa bulwagan.


Biglaan lang. Ang sakit sakit kasi.


Yung pakiramdam na ako ang nasa harapan niya, pero ibang tao pala ang laman laman ng isipan niya.


Si Kristanna.


Umawang ang pintuan. Nandito kasi ako sa may comfort room. Alam kong ito ang safest place dito at hindi magtatangka si Loki na sundan ako dito.


Dagli kong pinahid ang aking luha.


Tatlong babae ang pumasok, nagtatawanan sila. Kabilang sa tatlo ang kapareha ni Rain, si Aliyah.


Nauna siyang pumasok at sa pagdaan niya, sinadya niyang bungguin ang balikat ko.


Ang isa naman niyang kasama ay hinawi ako gamit ang siko.


Masakit ah!


"Ano ba? Bakit ka nanunulak?"


Tinaasan lang nila ako ng kilay.


"Sino yung kasama mo? First time ko lang yata siya nakita. Kung student siya ng school natin, I'm sure na he's gonna be famous." si Aliyah ang nagsalita.


"Boyfriend ko siya!" proud kong sagot. Ha! Mamatay kayo sa inggit. Biruin mo, ang wallflower na kagaya ko ay may super gwapong boyfriend. Beat that it-girls!


"Sayang talaga ano girls?" sabi ng kasama ni Aliyah. Obvious na dineadma ako.


"—Gwapo nga, pero wala namang taste!"


"Yeah right.. Parang kahit tsimay ko papatulan!"
 nagtawanan pa sika.


Nagpanting ang tenga ko. Wala silang karapatan na laitin ako ha! LALUNG LALO NA ANG MAHAL KO!


Eh ano ba'ng gagawin ko? Sasabunutan ko ba sila? Sasampalin? Sino ang uunahin ko?


Paano kapag pinagtulungan nila ako? Eh ngayon pa nga lang tino-troll na nila ako.


"W-wala kayong karapatang sabihin ang mga ganyang bagay!" sabi ko na lang.


"Loser—"


BRAGADAAAAG!


Yayks!


Napailag kaming apat sa kabila ng sobrang gulat.


Paano naman kasi, may dos por dos na tubo ang bigla na lang humampas at tumama sa lababo.


"HOY KAYONG TATLONG PANGET, TIGILAN NINYO ANG BESTFRIEND KO!"


"Coleeeeen!" Sa tuwa ko ay mayayakap ko na siya. Kaso umilag siya.


Bog!


Aray!


Tumama ako sa pinto ng isang cubicle.


"Hah, ang top notcher ng school ay Miss Warfreak pala! Paano ka nakapagdala niyan dito? Isusumbong ka namin sa principal!"


BRAAAG!


Muling hinambalos ni Coleen ang lababo.


"Sige, subukan ninyong magsumbong na butas ang mga bungo ninyo!"

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon