4th Night: Mahal Na Kita

16.1K 268 22
                                    

4th Night:


Loki's POV:

Nandito ang lalaking tumanggi kanina sa imbitasyon ni Serenity para s isang pasayaw. Narinig ko ang usapan nila kanina. Hindi ko yun sadya. Lubhang matalas lang talaga ang aking pandinig.


Mabalik tayo. Tinatanong niya kung sino ako. Ako? Ako lang naman si—


"—Loki ang pangalan niya, Rain. Magkaibigan kami." ani Serenity.


"Ganun ba?" lumingon siya sa akin. "Ngayon lang kita nakita dito ah?"


"Ikaw rin ngayon lang kita nakita." sagot ko naman. Sarkastiko at mabigat ang tinging ipinupukol niya sakin kahit wala namang malinaw na rason.


Hinawakan ko ang kamay ni Serenity. Nagulat siya pero baliwala sakin. "Paano, mauna na kami." sabi ko.


Nakahakbang na kami palayo nang magsalita yung lalake. "Ah Serenity.. Yung tungkol sa JS—"


Nilingon ko siya. "Ako ang magiging date ni Serenity sa prom."


Gulat na napatingin sa akin si Serenity. Kinindatan ko lang siya.


Malayo na kami sa paaralan nang maglakas loob siyang tanungin ako.


"Seryoso ka ba sa sinabi mo sa kanya?"


"Oo naman. Hindi marunong magbiro ang mga kagaya ko."


"Salamat. Wala talaga akong makakapartner dun kasi walang nag-aaya sa akin. Aasahan kita sa prom ha?"


Tumango ako. Nagbungguan ang aming mga braso.


"—ARAY!" daing ko. Pakiramdam ko ay napaso ako mula sa kung ano!


"Loki, baket?" tinanong niya ako.


Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Kitang kita ko na may bahagi ng aking braso na umuusok.


Tumingin ako sa kanyang braso. Kaya naman pala. May suot siyang pulseras na gawa sa pilak!


Kahinaan ng mga kagaya ko ang pilak. Iwinagayway ko ang aking braso hanggang sa napawi ang usok.


"Wala ito Serenity. Nadikit lang ako sa silver mong bracelet."


"Nasasaktan din pala kayo.." komento niya.


"Sa kasamaang palad, oo."


Hinubad niya ang kanyang pulseras at ibinulsa. Bakit pa? Gusto ba niyang muli kong hawakan ang kamay niya?


Sige. Hinawakan kong muli ang kanyang kamay na ang mga daliri ko ay nasa pagitan ng kanyang mga daliri.


Mainit ang kanyang palad. Kumportable.


"—Alam mo Loki, pagkatapos ng mga nangyari kagabi, ipinagdarasal ko na sana ay hindi ka na magpakita ulit."


"Bakit?"


"—Kapag kasi kasama kita, wala akong naiisip na kahit ano. Pero kapag umalis ka na, nahihirapan ako kakaisip— magulo."


"Ano bang iniisip mo?"


****

Serenity's POV:


Ano ang isasagot ko sa tanong niya?

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon