24th Night: Ang Pagtutuos

9.5K 108 16
                                        

24th Night


Odin's POV:


Si Loki ang pinakaayaw kong makaharap sa laban ngunit heto siya.

Siya pa naman ang inaasahan kong liligpit sa akin sa oras na maging Jotunn ako.

"--Odin, may gumugulo ba sa isip mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Fenrir.

Umiling ako. "Hindi ako maaaring gumamit ng kapangyarihan laban kay Loki. Mahirap na kapag nagaya niya

ang isa sa aking mga salamangka."

"--Eh ang mahika ng oras?"

Muli akong umiling. "Kung hindi mo pa napansin, kanina ko pa yun sinusubukang gamitin subalit may hindi

nakikitang pwersa ang pumipigil para magamit ko yun."

"Magdadaldalan na lang ba kayo diyan mga mahal kong kapatid?" ani Loki.

Muli akong bumaling kay Fenrir. "Ikaw ang maaaring umatake sa kanya. Gaya ng dati, susuportahan kita."

Nagkaintindihan kami.

Naghikab si Loki; hindi sa inaantok siya, gusto lang niyang ipakita kung gaano siya kayabang. Naglakbay ang isa sa

kanyang mga galamay at pinuluputan ang isang espada na naiwan sa putikan. Nang mahawakan iyon ng kanyang

kanang kamay, nag-iba ang anyo nito.

Lumaki, humaba, at tinubuan ng napakaraming tinik at mga parang mata.

Itinaas niya ang kakaibang espada at humiwa sa harapan niya.

Walang natamaan sa aming tatlo. Pero namangha ako sa nangyari.

Nahiwa ang espasyo sa harapan niya at nagkaroon ng parang pahabang maitim na butas. Dalawa iyon. Ang isa ay

nasa harapan ko mismo.

Inilusot ni Loki sa loob ng itim na butas sa kanyang harap ang kaliwang kamay niya.

"NAHIHIWA NIYA ANG DIMENSYON. MAG-IINGAT KA FEN---"

Tumagos ang kamay niya doon naman sa butas na nasa harap ko. Nahablot niya ang aking leeg.

"ODIN!" sabay na sigaw nina Fenrir at Serenity.

Sinenyasan ko si Fenrir na huwag lalapit.

****

Fenrir's POV:

"BAKIT NAMAN KASI HINDI KA KUMIKILOS DIYAN?!" bulyaw ko kay Odin.

Hayun, hindi na siya makapagsalita dahil pinisa na yata ni Loki ang lalamunan niya.

Tumingin sa ibaba si Odin kaya napatingin na rin ako. May nakapulupot sa dalawang paa niya. Mga galamay ni Loki

na nanggaling sa ilalim ng lupa.

Ah kaya naman pala. Okay.

Nagpalabas ako ng maraming espada, isa lang ang hawak ko, ang iba ay nakalutang sa paligid ko.

Bano talaga si Odin sa mga malapitan at pisikal na atake. Yan kasi TAMAD. Ipapasok na sana ni Loki ang espada

niya sa butas..

Inasinta ko naman ang kamay niya bago ko pinukol ng espadang hawak ko.

Lumagpas lang yung espada, tumama sa puno. Binawi kasi ni Loki yung kamay niya. Pero atleast malaya na ang

leeg ni Odin.

"Hehe, mabagal ka talaga Fenrir!" itinaas na muli ni Loki ang nakakatawang espada na hawak niya.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon