26th Night: Ragnarok, Ikalawang Yugto

9.6K 93 11
                                        

26th Night


Loki's POV:


Muli akong tumuntong sa kabilang dulo ng tulay na kung tawagin ay Bifrost. Iyon lang ang tanging daanan upang

makarating sa tahanan ng Yggdrasil.

Nasumpungan ko ang dalawa sa aking mga kapatid.

Si Balder na nasa kalagitnaan ng tulay, at si Heimdall na nasa kabilang dulo naman.

"Hindi ka maaaring pumasok ng Asgard." babala ni Heimdall. May hawak siyang plawta at kanyang pinatugtog.

Sa saliw ng kanyang himig, bumula ang tubig sa magkabilang gilid ng Bifrost.

Tumalon ang dalawang higanteng isda na matatalim ang mga ngipin. Pasugod ang mga iyon sa akin.

Wala akong inaksayang panahon; lumundag ako at gamit ang aking espada, humiwa ako ng napakalaking espasyo.

Sumiwang ang isang lagusan na nakadugtong sa pinaglulunggaan ng aking alagang ulupong.

"JORMUNGAND, LUMABAS KA!"

Sinunggaban kaagad ng Jormungand ang isa sa mga higanteng isda. Pareho silang lumubog sa karagatan pero

nakalitaw pa rin ang kanyang buntot. Nagpambuno ang dalawang nilalang sa ilalim ng tubig.

Binirahan ko naman ng aking mga galamay si Balder na nagpakawala na ng napakaraming kadena at tumatama

kung saan saan.

Hindi ko matamaan si Balder kahit ilang beses ko pang ulitin ang pag-atake.

Oo nga pala. Mayroong kakaibang imunidad si Balder para sa lahat ng atake laban sa kanya.

Noong bago pa lamang ako sa Asgard, pinagkakatuwaan nila si Balder; binabato siya ng lahat ng klase ng patalim at

kakatwang hindi siya natatamaan.

Nagkaroon ako ng kuryosidad sa hindi maipaliwanag na penomena.

Tinuklas ko ang kanyang sikreto. Hinanap ko ang kanyang mga kamag-anakan. Buhay pa noon ang kanyang ina na

ang pangalan ay Frigg.

Kabilang sila sa mababang uri ng mga bampira subalit tanyag si Frigg sa kanyang galing sa pangungulam at iba

pang itim na mahika. Napahanga niya si Ymir kaya't bilang gantimpala ay ginawa nitong isa sa mga tagapagmana ng

kanyang dugo si Balder.

Pinaslang ko ang katiwalang si Thokk at nagpanggap ako bilang siya upang makalapit kay Frigg.

"Kahanga-hanga ang imortalidad ng iyong anak na si Balder, naisip ko tuloy kung anak nga ba siya ng isang

Diyos!"

Natawa si Frigg. "Nagkakamali ka Thokk. Ang totoo ay sadyang mahina ang pangangatawan ng aking anak.

Gumawa ako ng isang engkantasyon at sumumpa sa lahat ng bagay na maaring makapanakit sa kanya--"

"Kung ganun, wala nga talagang anumang bagay na maaaring sumugat kay Balder?"

"--Sa kasamaang palad, mayroon; at iyon ang kinatatakot ko na matuklasan nila.."

"Ano ang bagay na iyon?"

Sinabi iyon sa akin ni Frigg at pagkatapos ay pinaslang ko siya kaagad.

Hindi ko pa alam kung totoo ang sinabi niya o isang kasinungalingan. Kung halimbawa mang kasinungalingan yun,

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon