18th Night
Thor's POV:
Ano'ng nangyayari kay Odin? Bakit siya nagdalawang isip na wasakin ang Jotunn?
Matagal na naming inihanda ang aming mga sarili na maaaring isang araw ay papatay kami ng isa sa aming walo.
At wala na nga si Freya. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi siya naging abo.
Sinalubong ko ang blangkong titig ni Odin.
Ano Odin? Magagalit ka dahil sa ginawa ko?
Masisira na lang ang maganda nating samahan dahil sa emosyon mo, ganun ba?
Hindi ikaw ang boss dito.
Ito ang tatandaan mo, dahil nasa limitasyon ka na, pigil ang paggamit mo ng kapangyarihan.
Samakatuwid, ako na ang pinakamalakas na Aesir ngayon.
"Salamat.." biglang sabi niya kasabay ng kanyang paglalaho.Salamat? Para saan?
Salamat dahil nilitson ko si Freya?
O salamat dahil dumating ako bago siya naman ang maging Jotunn?
Ang labo niya ngayon ah!****
Loki's POV:
Inilapag ko ang isang pulang rosas sa altar.
Nandirito ako sa lumang kapilya na naipatayo pagkatapos kong maging bampira noon.
Ng isang babaeng hibang sa pagmamahal sa akin.
Pumanaw na siya.
Mabuti naman.
Hindi ko masisikmura ang kanyang hitsura kung iisipin kong magsasama kami. Matanda na siya. Uugod-ugod at alagain.Tama na yung naging nakaraan namin. Pero hindi ko na rin maalala ang mga bagay na nangyari sa amin noong ako ay tao pa.
Kilala ko lamang ang kanyang pangalan at ang kanyang mukha.
Nakakatawang isipin na sa panahong ito ay may magmamana ng kanyang kagandahan.
Si Serenity ang tinutukoy ko.
Nagkamali na ako noon kay Kristanna. Ngayon ay hindi ko na dapat pang sayangin ang panibagong pagkakataon.
Nagpalit anyo ako bilang isang uwak.
Nilipad ko ang karimlan.
Marahan akong dumapo sa balustrahe ng balkonahe ni Serenity.
Sarado ang pintuan.
Nagbalik ako sa dati kong anyo.Sa kumpas ng aking kamay, bumukas ang pinto.
Pinakiramdaman ko si Serenity na nakahiga sa kanyang kama.
"Gising ka hindi ba?" nagkunwari akong malungkot.
Bumangon siya. "Bakit ka nandito Loki?"
Inilahad ko ang aking kamay. "Lumapit ka sa akin Serenity.."
Tama. Lumapit ka sa akin. Kapag nagkamali ka at binigyan mo ako ng permiso, papatayin ko lahat ng tao sa mansyon na ito..
Hindi mo sila kailangan kapag naging akin ka na.
![](https://img.wattpad.com/cover/1114756-288-k349439.jpg)
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampireAvailable on Precious Pages Stores and soon on NBS for only P129.75 :)