Special Chapter: Loki Vs. Odin

10.3K 152 76
                                        

Ang Una At Ang Huli.


Loki's POV:


Tumilapon ako sa karagatan matapos akong ibalibag ni Odin gamit ang sarili kong galamay.

Kaasar. Mukhang nagkaroon siya ng karagdagang lakas!

Umahon ako at hinanap ko ang kanyang lokasyon.

Shhhhh!

Tumataas ang tubig?!

Patuloy nga ang pagtaas niyon hanggang sa makulong ako sa loob.

Hindi ako makahinga-- pati ang mga galamay ko ay ayaw makalabas ng kulungang gawa sa tubig.

Lumipad sa harap ko si Odin. "--Ang elemento ng tubig Loki, ay aking alipin. Ibig sabihin, hindi lang ako ang

kalaban mo kundi pati na ang buong karagatan na nasasakop ng Bifrost!"

Heh. Eh di ikaw na ang Nawasa!

Kumalma ako at sinulit ang natitirang hangin sa aking baga.

Gamit ang aking espada, gumawa ako ng itim na butas, sakto lang para magkasya ako. Pumasok ako dun at

matagumpay na lumusot sa kadugtong nitong butas na sinakto ko sa likod ni Odin.

Sasaksakin ko siya sa likod—

Nawala!

Saan na nagpunta yung paniki na yun?!

SA TAAS!

Nasa mga tatlumpung metro din ang layo niya.

May nakahanda na siyang panira para sakin. Napakalaking bola ng apoy.

Naghiwahiwalay iyon sa mas maliliit pang bilog. Tapos ay sabay-sabay ang mga iyon na nagsipagbagsakan sa aking

direksyon.

Kakatwang hindi na niya kailangan ng setro para gumamit ng salamangka.

Ang akala ko ay madali lang ilagan ang maliliit na santelmo.

Tumawag si Odin ng hangin. Dahil dun, kumalat ang apoy sa hangin at nagmistula iyong napakalaking lambat ng

apoy na babagsak sa akin.

Syempre wala akong balak magpahuli sa kanya.

Kaya kong gayahin ang kahit anong uri ng pag-atake basta nakita ko iyon ng isang beses.

Pinakilos ko ang tubig sa karagatan at ginawa kong pananggalang.

Nagbanggaan ang pader ng apoy at ang pader ng tubig.

Nahirapan ako sapagkat parang walang katapusan ang kapal ng apoy.

Sa bandang huli napilitan akong gumawa ng dimension at lumusot uli upang makatakas.

"Hanggang pagtakas na lang ba ang kaya mong gawin Loki?" tuya ni Odin.

Tinubuan lang siya ng pakpak naging mayabang na siya.

"--Wag kang masyadong kampante Odin. Kaya kong pantayan lahat ng mga nagagawa mo--"

Umihip ang napakalakas na hangin sa direksyon ko. Masyado iyong mabilis.

Pinananggalang ko ang aking mga galamay.

Paglipas ng hangin, isa-isang nagbagsakan sa karagatan ang daan daang natadtad na piraso ng mga galamay ko.

May napansin akong kakaiba.

Kainis!

"Anong problema Loki? Ayaw na bang tumubo ng mga galamay mo?" pang-aasar pa ni Odin.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon