16th Night: Sina Freki at Geri

11K 166 16
                                    

16th Night


Serenity's POV:



Kalaliman ng gabi at kasalukuyan akong naglalakad pauwi. Kasama si Fenrir.


Magkahawak ang aming kamay.


Wala naman akong nakikitang masama doon. Magkaibigan kame.


Pero sana nagsasalita siya di ba?


"Fenrir.." okay, ako na lang ang babasag ng katahimikan.


"Ano yun?"


Hala, binawi niya ang kanyang kamay. Naconcious yata?


This time ako naman ang humawak sa kamay niya. Aba mahirap na! Mamaya niyan bigla na lang siyang umalis habang nasa gitna kame ng madilim na daan. Kawawa naman ako. Mabuti na yung dama ko na magkasama kami.


Hindi ko talaga siya bibitawan hangga't hindi kami nakakarating sa mansyon ko.


"Magkwento ka naman tungkol kay Loki. Noong magkasama pa kayo."


****

Fenrir's POV:


Tinawag ni Serenity ang pangalan ko. Ang akala ko ay sasabihin niyang bitawan ko siya.


Agad agad akong nagbawi ng kamay.


Hinawakan naman niya uli iyon. Mahigpit.


Natatakot ba siya? Nandito naman ako. Hinding-hindi ko siya pababayaan. Ego ko lang.


At pagkatapos ay humiling siya na magkwento ako tungkol kay Loki noong magkasama pa kami.


Parang hindi naman niya maiintindihan.


Si Loki ay ibang-iba sa nakaraang tatlumpu't pitong taon.


Sariwa pa sa alaala ko ang hitsura niya noong unang beses na dinala siya ni Ymir sa Asgard.


Nanginginig ang kanyang buong katawan. Takot na takot ang kanyang mga mata.


Subalit hindi maikakaila sa kanya ang pagiging isang halang na halimaw. Punung-puno ng dugo ang kanyang bibig pati mga kamay.


Mistula siyang isang bata na gumawa ng kasalanan at huli na ng mapagtanto niya ang kanyang kamalian.


"Siya si Loki, ang bago ninyong kapatid." masigla si Ymir nang sabihin niya iyon.


Sa una ay palagi siyang tulala sa harap ng puno ng Yggdrasil. Hindi rin siya iniiwan ni Ymir.


Minsan ay nakita ko rin siyang lumuluha. Ngunit kahit kailan ay hindi siya nagwala. Tahimik lang talaga siya at hindi nagsasalita.


Lumaon din at nasanay na siya sa Asgard. Binigyan siya ng tungkulin sa ilalim ng pamumuno ni Tyr.


Mabait siya at magalang. Kaya hindi mo aakalain na nagtataglay siya ng pambihirang kapangyarihan.


Hindi ako naniniwalang siya ang pinakamahina dahil siya ang bunso.


Sa tingin ko pa nga ay magiging kasinglakas siya ni Odin balang araw.


Sa kanyang unang taon bilang bampira, nagkaroon siya ng kontrata sa isang napakamakapangyarihang nilalang:


Kay Hel, ang reyna ng Helheim. May kapangyarihan siyang buhaying muli ang isang namayapang bampira kung matutupad ang lahat ng hingiin niyang kondisyon.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon