27th Night:
Fenrir's POV:
Sa pagsasara ko ng tarangkahan ng Asgard, nakita ko kung paano hatakin ni Odin ang mga galamay, kasama na si
Loki at ibinalibag sa tulay na yelo na lalo pang nasira.
Mas malakas yata si Odin kapag naging Jotunn siya.
Kailangan kong mag-isip-isip.
Tinungo namin ang dakilang puno.
At nakakagulat nang bigla na lamang nagliwanag.
Nakasisilaw..
****
Serenity's POV:
"Serenity.. Imulat mo ang iyong mga mata.."
May tumatawag sa akin. Napakaganda ng kanyang boses. Malumanay at malamyos, parang isang awitin.
Anghel ka ba?
"Basta imulat mo ang iyong mga mata.."
Sinunod ko ang kanyang utos. Nasumpungan ko ang sarili ko na nakahiga sa malawak na damuhan. Nalililiman ako
ng isang napakalaking puno. Nagsasayaw sa palibot nito ang napakaraming mumunting bola ng ilaw.
May naglahad sa akin ng kamay. Isang batang babae. Busilak ang kanyang pananamit at ginintuan ang kanyang
buhok.
Ginintuan..
Napatingin ako sa kulay ng mahaba kong buhok. NAPAKAHABANG BUHOK--
Baka wig.
Hinila ko nga.
Araaaay!
Ay Diyos ko po! Sinong bakla ang nagkulay at naghair-extension sakin habang ako ay tulog?!
Kinapa-kapa ko ang ulo ko. Nasagi ng kamay ko ang-- PATUSOK KONG TENGA?!
Aaaaaaaah!
Naloloka na ako! Panaginip! Tama! Panaginip ito!
Gising Serenity!
Natawa ang batang babae sa ginagawa kong pagkurot ko sa sarili kong mga pisngi.
"Halika, sumama ka sa akin." inabot niya ang aking kamay at iginiya ako sa tabi ng isang ilog na malapit sa
higanteng puno.
"Tingnan mo ang sarili mong repleksyon." sabi niya.
Tiningnan ko naman.
OH MY GULAY! Sino yang napakagandang diwata na katabi ng batang babae?! Di, joke lang.
Nagulat lang talaga ako.
Bakit?
Paano?
Saan?
Kailan?
"--Kaisa ka ng lahing Alfar binibining Serenity."
Namangha ako. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Ngumiti siya ng makahulugan. Inaya niya ako pabalik sa tapat ng puno. "--alam ko ang lahat."
"Bakit ako nandito? Wala kasi akong maalala--"
"Nandito ka, dahil nakalaan ka para mamalagi dito. Kailangan ko ang kapangyarihan mo upang magbigay ng
liwanag sa kumalat na kadiliman. Halika--"
Inilubog ng batang babae ang kanyang kamay at braso sa katawan ng puno. Halos lumuwa ang mata ko sa
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampireDalawang taon na ang nakararaan buhat ng magising si Loki na walang maalalang kahit na ano tungkol sa nakaraan-at kung bakit siya naging isang bampira. Dala na rin ng masidhi niyang kagustuhan na maibalik ang kanyang nawalang alaala, pinili ni Loki...
