10th Night: Ang Puno ng Yggdrasil

12.5K 208 10
                                    

10th Night:

Ymir's POV:

Ngayong gabi ay tinipon ko ang pito kong anak sa harap ng dakilang puno na sentro ng buhay ng lahat ng nilalang sa mundo; ang Yggdrasil.

Lubhang napakalaki ng punong ito na tatatlo lamang ang ugat. Ang unang ugat ay tumatawid sa Asgard, ang aking tahanan. Ang pangalawa ay nasa mundo ng mga tao. At ang huli ay tungo sa kailalimang mundo, ang Hel.

Tatlumpu't dalawang taon na ang nakakaraan nang huli kong magisnan ang mayabong na mga dahon nito. Ngayon ay halos wala nang natitirang dahon sa mga sanga sanga nito.

"Magandang gabi sa iyo aming ama, maligayang pagbabalik sa Asgard." sabay-sabay nilang bati sa akin.

Isa-isa ko silang pinagmasdan. Lahat sila ay may paggiliw sa kanilang mga mata. Hinahangad ng bawat isa sa kanila ang aking pagpapala at atensyon.

Nalungkot ako. Sapagkat hindi sila kumpleto. Ang paborito kong anak na siyang inaasahan ko na titingnan ako nang may paggiliw, ngayon ay ni hindi alam ang aking pangalan.

"Ang puno ng Yggdrasil.." wika ko. "Ay nabubuhay sa pagsasama-sama ng ating mga lakas. Subalit ngayon ay tila nawalan ito ng sigla."

Nagbaba silang lahat ng paningin. Alam nilang hindi ko ikinatutuwa ang nangyari sa Yggdrasil.

Nagpatuloy ako. "Mahigpit kong ipinagbabawal ang pagpitas ng dahon ng Yggdrasil dahil iyon ay simbulo ng muling pagkabuhay.

Isa iyong elixir na maaaring bumuhay ng isang namayapa; ngunit lason iyon para sa mga nabubuhay na.

Ang pagpitas ng isang dahon nito ay nangangahulugan ng limampung taong pagkalagas ng puno."


"Ang ibig ninyong sabihin Ama, ay mayroong pangahas na pumitas ng dahon ng Yggdrasil?" si Fenrir.

Marahan akong tumango.

"Ngunit bakit ngayon niyo lamang sa amin sinabi ito? Nakalipas na ang tatlumpu't dalawang taon! At ni walang nakakaalam na magiging ganyan ang epekto ng pagkawaglit ng isang pirasong dahon." si Odin naman iyon.

"Hindi ba't ang tungkulin ninyo bilang mga anak ko ay ang pagsunod sa akin ng walang pag-aalinlangan? Wala kayong karapatang humingi ng dahilan kung hindi ko iyon kusang ibigay." pinagtaasan ko sila ng boses.

"—Nakasisiguro akong si Loki ang gumawa ng kapangahasang iyon! Naglaho siya dito sa Asgard sakto matapos magsimulang maglagas ang dakilang puno. Di nga ba at tinatraydor niya ngayon ang ating lahi?"

"TUMAHIMIK KA HEIMDALL!" hindi ko napigilan ang aking galit.

Yumanig ang paligid. Nagbitak bitak ang kalupaan.

Sinapo ko ang aking sentido.

"Ama.." lumapit sa akin si Freya. "Kumalma po kayo, pakiusap. Baka masira ninyo ang Yggdrasil nang hindi sinasadya."

Itinuon ko ang aking konsentrasyon sa pagpapakalma ng aking galit.

Pumayapa naman ang lugar.

"TAMPALASAN KA HEIMDALL!"
 narinig kong bulyaw ni Tyr sa kapatid. Humarap siya sa akin. "Ama, ipag-utos mong parusahan ko siya!"

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Ang gusto ko ay iwan na ninyo kami ni Freya. May importante kaming pag-uusapan."

Yumuko sila upang magbigay galang at isa-isa na ngang nagsialis.

Bumaling ako kay Freya. "Makakaya mo ba ang ipinagagawa ko?"

****

Freya's POV:

Tumango ako sa aking ama. Lumapit ako sa isang bahagi ng Yggdrasil at inilagay doon ang isang kamay.

Nakagawa na kami ng maliit na koneksyon sa diwa ni Loki na pinaghirapang gawin ni ama sa loob ng tatlumpu't dalawang taon.

Ilang panaginip na rin ang aming nilakbay upang matunton ang kinaroroonan ni Loki. Hanggang sa maarok namin ang panaginip ng isang babae. Tao siya ngunit kakatwang mayroon siyang koneksyon sa aking kapatid.

Sa aming nabuong teorya ni ama, nalason ng dahon ng Yggdrasil si Loki. Ang bampira kasing nalason sa dahon ng Yggdrasil ay nababalot sa isang malakas at hindi nakikitang mahika. Mahirap na siya ay madama kahit na ng pinakamakapangyarihang si Ymir.

Nagsalita si ama. "Ang puno ng Yggdrasil ay nabuhay kasingtanda ng paglikha ng mundo. Mula sa kanyang tatlong ugat na nakatanim sa tatlong bahagi ng mundo, siya ay nagsilbing saksi sa lahat ng naganap na pangyayari."

"—Gusto mong tuntunin ang isipan ng Yggdrasil tama?" tanong ko. Isipin ko pa lang, wala akong ideya kung paano iyon gagawin. Subalit wala sa bokabularyo ni Ymir ang salitang ‘imposible’.

"Hindi Freya. Ang dahon at ang sanga ay may ispesyal na koneksyon sapagkat ang dahon ay tumubo mula sa sanga. Maaari nating gawing catalyst ang puno upang maibalik kay Loki ang kanyang alaala."


Napaisip ako. Madali lamang gawin iyon. Subalit magtatagumpay ba kami?

Hindi ko pa rin inaalis ang aking kamay sa puno.

Pumikit ako.

Si Loki, sana kung nasaan man siya ay mahimbing ang kanyang tulog.

****

Heimdall's POV:


ASAAAAAAAR!

Nagngingitngit ang kalooban ko! Pati ba naman si Tyr?! Ang gago na yun gusto akong parusahan?!

Neknek niya!

"Brader! Paano yan? Nalaman ni Ama na may pumitas ng dahon sa Yggdrasil? Paano na tayo niyan?!"

Pinandilatan ko ang tanga kong kapatid. Lintek! Magkakaroon lang ako ng kakampi yung bobo pa!

"TONTO! Tumahimik ka! Malalaman talaga nila yan kapag sinabi mo! Hindi tayo sasabit dahil si Loki mismo ang pumitas nun at hindi tayo!"

Tila nahimasmasan naman si Balder. Sa lahat talaga ng tanga, siya ang pinakatanga. Ano pa ba ang kinatatakot niya? Walang kapangyarihan o talim ang makakasugat sa kanya. Kahit pa si Ymir.

Imortal siya!

Iyon ay kung walang makakadiskubre ng kahinaan niya na iisang tao lang ang nakakaalam.

Tinapik ko ang kanyang balikat. Dapat din ay pinapalakas ko ang loob niya.

"Wag kang mag-alala. Kapag nagsanib pwersa tayong dalawa, tayo ang pinakamalakas!"


****

Fenrir's POV:

Ikinagulat ko ang pagpapatawag sa amin ni Freya upang kitain si Ymir.

Akalain ko bang sa tinagal tagal kong hinihintay ang kanyang paggising, heto at nangyari na!

Wala talaga siyang kasing astig, lalo na nang mabulyawan niya si Heimdall. Haha!

Mabuti nga sa ungas na yun. Masyado kasing mapapel. Siguro ay siya talaga ang puno at dulo ng kaguluhang ito eh! Alam ko namang nagseselos siya sa atensyong ibinibigay ni ama kay Loki.

Siya na maging bunso!


Ako, kung may kaiinggitan man ako sa aming mga kapatid, si Odin na yun.

Isa siyang salamangkero at namamangha ako sa kanyang kakayahan. Pero syempre dismayado ako dahil isa siyang dakilang tamad. Manang mana sa kanya ang hari ng mga kidlat na si Thor.

Ay ewan ko sa kanila. Ano nga ba ang magandang gawin gawin ngayong gising na si Ama?

Itutuloy ko pa nga ba ang imbestigasyon ko?


Wag na siguro. Nandiyan naman si Freya. Narinig ko ang pag uusap nila kanina ni Ama.

Dito sa Asgard, ako lang ang malayang nakakarinig ng mga usapan o mga bulungan dahil walang nakakadama sa presensya ko.

May mga magagandang dulot din ang pagiging isang taong lobo sa tahanan ng mga bampira.

Nakapagdesisyon na ako kung ano ang magandang gawin ngayon. Dadalawin ko si Serenity. Wala lang.

Dumaan akong muli sa Bifrost at sa tarangkahan.

****

Serenity's POV:

Walang pasok kung kaya't wala akong maisipang gawin kundi ang maupo sa harap ng verenda habang nasa kandungan ko ang talaarawan ng namayapa kong Auntie.

Maya't maya kung sipatin ko ang orasan. Ang huling basa ko sa oras ay alas dos ng hapon.

Ilang oras pa ba ang dapat kong hintayin bago kami muling magkita ni Loki? Ang bagal ng takbo ng oras. Eh kung lumabas kaya ako ng bahay?

Bigla akong nagulat nang may sumuwang na kamay at kumapit sa balustrahe ng aking veranda. Naging dalawa ang kamay.

Sumunod ay may sumuwang na ulo. Hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat sa veranda.

Hindi ako sumigaw o naghysteria kasi namukhaan ko siya. Kung tama ang pagkakaalala ko, kapatid siya ni Loki.

"Kamusta na Fenrir?"

Hindi yata niya inaasahan ang magiliw kong pagbati. Umayos siya ng upo nang nakaharap sakin. Kung isang ordinaryong tao ang maupo nang kagaya sa kanya, may posibilidad na mahulog iyon na una ang ulo. "Kung makabati ka parang close tayo ah?" aniya.

Aba'y suplado.


"Eh ikaw, kung maka-trespass ka nga sa mansyon ko parang ikaw ang feeling close."

"Tss, mas maganda ng isandaang ulit ang tinitirahan ko kesa dito kaya di ko maintindihan kung bakit bawal pumasok nang walang paalam."

"May gusto ka bang malaman kaya mo ako pinuntahan?"

"Ah wala. Kalimutan mo na yung ipinakiusap ko dati. Nagbago na ang isip ko eh."

"Eh ano ba talaga ang sadya mo dito? Wala ka lang magawa, ganun?"

Ngumiti siya. "Ganun na nga."

Magandang past time ba talaga ng mga kakaibang nilalang ang pag istambay sa veranda ko?

"Hindi naman sa ipinagtatabuyan kita, pero gusto kasing mapag-isa. Marami akong iniisip. At ano na lang ang sasabihin ng mga kasambahay namin kapag may naabutan silang binata na nakaupo sa balustrahe ng veranda ko?"

Naconcious yata siya at tumayo. Pinuntahan niya ang hilera ng mga tanim kong halaman.

"Bukod sa maganda ang iyong pagkatao, magaan pa ang iyong mga kamay. May kakayahan kang magpabukadkad ng mga bulaklak."

Namula ako ng husto. Di ako sanay na may pumupuri sa pag aalaga ko ng halaman eh.

Binuhat niya ang munting paso ng Cattleya na ibinigay sa akin ni Loki.

"—Kuntento ka na sa nangyayari sa buhay mo?" tanong niya di kalaunan.

Hindi ko kayang sagutin. Oo kuntento ako. Pero pakiramdam ko lagi ay puro panandalian lang ang tinatamasa kong pagkakuntento.

Nang inilapag niya ang paso, lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang buhok sa aking pisngi.

"Sana ay maging magkaibigan tayo." aniya.

Seryoso? Si Fenrir? Gustong makipagfriendship sakin?!

May kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Senyorita? Gusto mo bang magmeryenda?"

Nilingon ko ang pintuan. "A-ayoko. Salamat na lang yaya Mameng—"

Paglingon ko pabalik, hindi ko na nakita si Fenrir.

Hay.. Ugali talaga nila ang umalis nang walang paalam.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon