21st Night: Ang Panganay ni Ymir

11.5K 129 32
                                        

21st Night


Odin's POV:


Ako ang pinakamalakas na Aesir at nakahanda ako upang muli iyong patunayan.

Higit sa lahat, hindi ako papatalo sa aking sariling katawan.

Mahalaga ang puno ng Yggdrasil subalit may itinakdang panahon na kung kailan ito muling mabubuhay.

Labintatlong taon mula ngayon.

Subalit may mga atat yata upang pabilisin ang pagyabong muli ng mga dahon ng puno ng buhay.

Dalawa lang ang kilala kong makakapagpanumbalik sa Yggdrasil.

Ako, gamit ang kapangyarihan ng oras.

At ang tagapagmana ng mga Alfar gamit ang kapangyarihan ng kalikasan.

Hindi na ako maaari pang gamitin ni Ymir. Isang kaaway na ang turing ko sa kanya at alam na alam na niya iyon.

Dati, inaamin kong mataas ang pagtingin ko sa kanya; dahil siya ang nagligtas sa akin limandaang taon na ang

nakakaraan.

Isa akong tagapagtanghal sa korte ng isang kilalang hari noon.

Dahil sa aking husay sa pagtatanghal ng mga ilusyon, naging tanyag ako sa aking murang edad. Natakot ang

simbahan sapagkat mas pinipili ng mga tao ang manood sa aking mga palabas kaysa magsimba. Di naglaon ay

itinuring akong kampon ng dimonyo.

Naekskomulgado ako. Kasunod ay ang pag-aresto nila sa akin at ang walang habas na pagpapahirap.

Sumuko ang katawan ko sa strappado. Nagkabali bali ang aking mga kasu-kasuan.

Halos patay na ako, sa puntong inakala nilang patay na nga ako.

Itinapon nila ang aking katawan sa isang lupain kasama ang iba pang bangkay.

Nakakarimarim.

Ang akala ko ay impyerno na iyon.

Maraming hayop ang nagpiyesta na kumakain ng laman ng mga bangkay. Ibon, aso at---

"Hay.. Kawawang mga nilalang. Pinili ko ang huwag uminom ng dugo ng mga tao upang maging payapa ang

mundo. Subalit sinasayang niyo lang ang buhay ng isa't isa na wala man lang pakinabang."

"S-sino ka?" pinilit kong magsalita dahil kita ko namang sakin siya nakatitig.

Alam niyang buhay ako.

"Ako? Ako ang Diyos ng mundong ito." sagot niya.

Kalokohan.

Isang paslit ba ang Diyos?

Tiningnan ko siya. Kontra siya sa liwanag ng buwan kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Kung ikaw ang Diyos, bakit mo hinayaan na gawin nila ito sa akin?"

"Ang tao ay walang karapatang kwestiyonin ang itinadhana para sa kanya. Tandaan mo yan."

Kinuyom ko ang isang dakot na lupa. Nagagalit ako at naaawa sa sarili ko.

"Ayoko nang maging tao dahil ayoko sa naging tadhana ko. Pero ayoko pang mamatay! PAGBABAYARIN KO

SILA--- MGA HAYUP SILA!"

Pagkatapos ng ilang masakit na gabi sa loob ng bilangguan, hindi ko akalaing may mailuluha pa pala ako.

Narinig ko siyang tumawa.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon