17th Night: Ang Jotunn

10.6K 174 20
                                    

17th Night

Loki's POV:



Naupo ako sa katabing silya ng kinauupuan ng aking walang buhay na ama.


Ito na ang tumambad sa akin pagbalik ko dito sa kanyang mansion.


Wala akong naramdamang kahit na ano. Kasabay ng pagbalik ng aking alaala ay siya ring panunumbalik ng pagkamuhi ko sa kanya..


Dahil ibinenta niya ang aking kaluluwa sa dimonyong si Ymir.


Kumuha ako ng sulo at sinindihan. Nang mag-apoy ay inihagis ko iyon sa carpet.


Mabilis na kumalat ang apoy.


"Ganito ang ginawa mo sa akin dati hindi ba?" sabi ko.


Tinangka niyang sunugin ang aking katawan habang ako ay natutulog. Subalit nagkamali siya dahil hindi malapitan ng apoy ang aking katawan.


Dahil iyon sa proteksyong dulot ng sumpa ng Yggdrasil.


Ayoko nang isipin pa ang mga detalye.



Tapos na.



Wala na ang taong pinagmulan ng aking buhay.


Wala na ang taong nagdala sa akin sa kailaliman ng impyerno.


Umalis lang ako nang lubhang malakas na ang apoy at nasimulang tupukin ang unang palapag ng mansyon.


Saka ako nagtungo sa isang tagong lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.


Sa lugar na walang hanggan ang kadiliman kung saan matagal nang patay ang ilog na pinamumugaran ng mga kakaibang nilalang.


"Jarmungand.." naaalala pa nga ba niya ako?


Sssssss..


Isang higanteng anino ang papalapit sa akin.


Ssssssss..


Walang kakurap-kurap akong pinagmasdan ng mga matang nanlilisik.



Sssssss..



Itinaas ko ang aking kamay. Dinama ang kanyang makaliskis na mukha.


Ang kanyang mahabang dila ay pumulupot sa aking braso.


Alam kong wala akong dapat ikatakot. Kahit gustong gusto pa niya akong patayin o lunukin ng buhay ay hindi niya magagawa.


Nakatali na siya sa aming kontrata. Siya bilang alipin ko.


"Loki, anak ko.."


Hinila ko kaagad ang braso ko mula sa nakapulupot na dila ng Jarmungand.


Lumapit sa akin si Ymir at yumapos sa aking bewang.


"Nagawa mo na ba?" tanong ko.


"Oo—" napangisi siya. "Sigurado akong mamamatay si Freya."


Hinimas ko ang ulo ni Ymir. "Magaling.."



Kailangang mamatay ni Freya sa lalong madaling panahon.


May nalaman siyang lihim.


At ayokong may pagsabihan siya tungkol doon.


****

Tyr's POV:



Dinalaw ako ng isang Valkyrie na nagsasabing kailangan ko daw puntahan si Odin.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon