19th Night
Odin's POV:
"May nagpalaya kay Loki mula sa selyo na ibinigay ko. Yan ang paunang ulat sa akin nina Huginn at Munnin." paliwanag ko kay Fenrir.
"Si Ymir ba yon?"
"Siguro. At hindi ko pa alam ang dahilan. Nakita naman natin na masama ang epekto kay Loki ng pagtaas ng kanyang antas. Nagiging negatibo ang kanyang pag-iisip—"
"Wooo, kalokohan. Ang sabihin mo, talagang masama na siya noon pa. Magaling siyang magpanggap!"
"Ikaw ang bahala sa gusto mong isipin. Hindi ka pa ba aalis?"
Nanlaki ang mga mata ni Fenrir tapos ay napasulyap siya sa salaming pinto ng verandang ito. "Bakit ako ang aalis? Hindi ba dapat ikaw ang umalis?"
"Alis na Fenrir." utos ko.
"Ayoko." pagmamatigas niya.
Ayaw mo ha?
Itinuro ko ang ulo ng setro sa paahan ni Fenrir. Nabutas ang bahaging yun at pagkatapos ay nahulog doon si Fenrir.
"Waaaaaaahhhh!"
"Diretso yan patungong Asgard. Paalam."
Pinaalis ko si Fenrir upang mapag-aralan ko ang lugar na ito.
Iba ang daloy ng enerhiya na nadama ko simula pa kanina pagtungo ko dito.
Positibong enerhiya. Ang enerhiya ng buhay.
Nagamit ko ng malaya ang aking mahika nang wala akong naramdamang kahit na ano.
Posible kayang ito na ang matagal ko nang hinahanap?
Itinukod ko ang aking setro.
"Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Kapangyarihang bumabalot sa lugar na ito, hanggang saan ang sinasakop?"
Nagliwanag ang aking tinatapakan. Lumawak ang liwanag hanggang tumigil sa balustrahe.
Namangha ako, sapagkat ang tanging sakop ng positibong enerhiya ay ang buong balkonahe lang na ito.
Napakaliit.
At sino ang mag-aakalang ito na nga..
Ang huling santuwaryo ng mga lahing Alfar..
****
Serenity's POV:
Tok!
Tok!
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng veranda.
Sino?
Nakakatakot!
Sinabi ko na nga ba at di dapat ako pumayag na dito na tumira..
Sa ngalan ng ama..
Ng anak..
At ng ispirito Santo..
Nagdasal ako..
Amen.
Tok!
![](https://img.wattpad.com/cover/1114756-288-k349439.jpg)
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampireAvailable on Precious Pages Stores and soon on NBS for only P129.75 :)