Epilogue

11.7K 131 47
                                        

Epilogue


Fenrir's POV:


Unti-unting lumulubog ang aking kamay, braso, hanggang naipasok ko sa loob ng puno ang aking sarili.

Ano to? Bat nasa tabi ulit ako ng puno?!

Nakapasok ba talaga ako?!

Nasumpungan ko agad si Serenity. Nakahiga siya, hinang-hina at umiiyak.

Inaalo siya ng batang babae na nakayakap sa kanya.

"Mag-usap tayo mahal na Yggdrasil!"

Nag-angat ng ulo ang batang babae. "Paano ka nakarating dito?!"

"Mahirap ipaliwanag. Ang alam ko lang, pareho tayo ng pinanggalingan."

"--At?"

"Gusto kong makipagkasundo sayo."

"Ipahayag mo ang iyong kondisyon."

"Ako ang siyang mananatili dito, kapalit ng tatlong bagay."

"Masyadong marami ang tatlo--" angal ng batang babae.

"--Kapalit ng kapangyarihan ko? Kulang pa nga ang hinihiling ko kung tutuusin."

"Sige, gusto kong malaman kung anog ang tatlong bagay na iyong hiling."

"Una, palayain mo si Serenity. Pangalawa, tuparin mo ang isa niyang kahilingan. Pangatlo, bibigyan mo ng

proteksyon ang kapatid kong si Odin habang siya ay natutulog."

Ito na ang pinakamagandang gagawin ko para sa dalawang taong pinahalagahan ko sa buhay ko.

Tumango-tango ang batang babae. "Napakasimple lamang. Sige, pumapayag ako."

Nilapitan niya si Serenity.

"Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin Serenity?"

Lumapit ako kay Serenity. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniupo ko siya.

"Paalam Serenity. Hindi mo na ako makikita at maaalala kahit kailan. Pero kahit nasaan ka man, babantayan

kita, pangako. Mabuhay ka sa landas na gusto mo. Pag-isipan mo ang iyong kahilingan." yumakap ako sa

kanya.

"Sabihin mo ang iyong kahilingan Serenity." anang ispirito ng Yggdrasil.

"--Pakiusap, buhayin mo si Loki!"

Umiling-iling ang batang babae. "Patawad pero hindi na maaaring buhayin pa ang bampirang wala na."

"--Pero.. Pero sabi mo, kahit ano'ng hilingin ko--" humagulgol si Serenity.

Tinapik ko ang balikat ng batang babae. "--Gumawa ka na lang ng paraan."

"Sige. Gagawin ko ang makakaya ko."

****

Serenity's POV:

Whaaaaarhhh!

Wagas ang aking hikab. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at kumurap kurap.

Haaay ang ganda ng panaginip ko, parang pangsine. Siguro kapag isinulat ko yun, magiging sikat ako, magiging best

selling.. Tapos.. Tapos gagawing pelikula, kakabugin ang sales ng Avatar at The Hunger Games!

Ay bongga!

May hawak pa pala akong pambungkal ng lupa!

Hala? Nakatulog ako?-- HABANG NAGTATANIM?!

Hapon na pala. Kulay kahel na ang langit na tanaw mula sa glass roof nitong greenhouse.

Tumayo na ako at pinagpag ang puro lupa kong uniporme.

"Hoy besyyyy! Di ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo at kukuhanan pa kita ng picture!" tawag ako ni Coleen.

Nakasungaw siya sa may pinto.

"Susunod na ako, ililigpit ko lang tong mga ginamit ko!" pagkasabi ko nun, iniwan na niya ako.

Bago ako nakatulog, itinanim ko pala yung pulang rosas na galing sa mga koleksyon ko ng bulaklak sa veranda ko.

Wala kash nun dito. Hopefully, sana maparami ko sila bago kami maggraduate next year.

Kinuha ko ang paso ng rosas at tingnan tingnan ko.

Nawala yata ako sa isip at bigla kong nabitawan ang paso.

"Aaay!"

"Safe!" mabuti na lang at may sumalo ng paso. Nakahinga ako ng maluwang.

"Heto. Sa susunod kasi mag-iingat ka. Sayang naman yang rosas. Mukhang nag-iisa lang yan dito sa

greenhouse."

Hindi ako sa rosas nakatingin kundi sa lalaking nasa harap ko.

Parang kilala ko siya na parang hindi. Ewan!

Pero iba ang pintig ng puso ko. Mas intense pa kesa sa nararamdaman ko kapag kaharap si Rain.

"Paborito mo ba ang pulang rosas?" tanong ko.

Tumango siya sabay ngiti.

Yieee kinikilig ako..

"Parang ngayon lang kita nakita?"

"Ah, oo nga pala. Transfer student ako. Kanina pa nga ako nandito sa school pero ngayon lang tayo

nagkita."

Nayong alam ko na ang favorite flower niya... Kailangan malaman ko naman ang pangalan niya, ang favorite food

niya, favorite color-- LAHAT!

"Ako nga pala si Serenity. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Ako pangalan ko ay---"

Parang alam ko na ang pangalan niya kahit di pa niya sinasabi. Wild guess lang.

At namangha ako nang marinig ko nga kung ano iyon.

Wakas. 

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon