6th Night: Puro Katanungan

14.1K 226 3
                                    

6th Night:

Loki's POV:

Laman pa rin ng aking isip ang mga sinabi ng nilalang na nagngangalang Fenrir.

Bunso ang tawag niya sa akin. Magkapatid kami kung ganun? Pero bakit sa tingin ko ay hindi niya kilala ang aking ama?

Dapat ko bang ipabatid sa aking ama ang tungkol kay Fenrir?

Hay.. Puro ako tanong. Puro tanong.. Nakakasawa na.

Kasing nakakasawa ng pagpaslang ko sa mga bampirang wala namang direktang kasalanan sa akin.

Umayos ako ng higa.

Panibagong tanong na naman ang umibabaw sa aking isipan.

Paano na kami ni Serenity?

Tao si Serenity.

Pagkain ko ang dugo ng tao.

Tumatanda ang tao. Ang bampira, hindi.

Ganoon pa rin ba ang mararamdaman kong pag-ibig sa kanya kapag nag-iba na ang pisikal niyang anyo?

Kakayanin ko bang panoorin siya sa kanyang pagpanaw kung sakali?

Bumangon ako at naupo sa kama.

Kailangang may magbago sa aming dalawa.

Hindi na ako maaaring maging tao.

Pero si Serenity.. maaari siyang maging isang bampira kagaya ko..

At magsasama kami habambuhay..

Nailing ako.

Hindi masaya ang buhay bampira. Lahat kami ay madilim ang daang tinatahak, walang puso at walang kaluluwa ang umiiral sa amin.

Ang imortalidad ay hinihila kami pabagsak sa aming kapalaluhan.

Ang gutom ay inilalapit kami sa kasamaan at kasakiman.

Ayokong maranasan iyon ni Serenity..

Tumayo ako. Oras na muli ng aking paggising.

****

Serenity's POV:

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang bigat pa ng aking pakiramdam. Humarap ako sa gilid.

Kailangang dumilat na ako. Pag hindi, hindi ko maaabutan si Loki.

Pinilit kong dumilat.

Bahagya akong napabalikwas dahil namasdan ko ang mukha ni Loki.

Nakahiga siya sa aking tabi, may hawak na pulang rosas at mataman akong pinagmamasdan.

Ipinatong ko ang aking pisngi sa likod ng aking palad. "Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Pinutol niya ang mahabang tangkay ng tangan niyang rosas at ang bulaklak ay inipit niya sa likod ng aking tainga.

May naalala akong bigla.. Si Auntie Kristanna at si Dante.

Nalungkot ako..

Natakot ako..

Kumapit ako sa kanyang braso at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Wag mo akong iiwan Loki. Wag kang mamamatay kagaya ni Dante. Kasi..

Kasi.. malulungkot ako..

Hahanap-hanapin kita..

Baka.. Katulad ni Auntie Kristanna ay piliin ko rin ang habambuhay na pag-iisa.

Humikbi ako. Napalakas. Narinig niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

"May naalala kasi ako.. Isang malungkot na kwento."

Inangat niya ang aking mukha. Pinahid ang aking mga luha.

Sa kabila ng kadiliman ng aming paligid, malinaw kong naaninag ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata.

Tumitig ako sa kanyang mga mata. Nakakahipnotismo ang mga iyon. Nakakawala ng lahat ng alalahanin.

Ang mga daliri ko ay dumapo sa kanyang malambot na mga labi. Dinama ko iyon.

"Halikan mo ako." sabi ko.

Marahan siyang lumapit.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sumisikdo ang aking puso.

Ang pakiramdam na muling naglapat ang aming mga labi ay walang katulad. Mas taos sa puso kaysa nung una.

Ayoko nang matapos ito.

Subalit wala akong kakayahan upang itigil ang pagpatak ng oras.

Pagmulat kong muli, umaga na. Mataas na ang sikat ng araw.

Wala na si Loki.

****

Fenrir's POV:

Palihim kong minamatyagan si Loki. Palihim ko rin siyang sinusundan.

Kagabi ay nasumpungan ko siyang tumungo sa loob ng isang mansion na nasa gitna ng kagubatan.

Doon din siya tumungo nang una kaming magkita.

Ano ang pakay niya doon?

Ikinagulat ko ang malaya niyang pagpasok mula sa isang bukas na pinto ng isa sa mga veranda.

May permiso si Loki. Sino ang nagbigay nun?

Inalala ko ang babaeng kasama ni Loki sa kakahuyan.

Iniibig ba ni Loki ang babaeng yun?

Ayoko ng puro tanong. Ang gusto ko ay sagot!

Kaya't heto, nasa tapat ako ng tarangkahan ng mansyong madalas puntahan ni Loki.

Aabangan ko ang babae. Tatanungin ko siya ng tungkol sa aking bunsong kapatid.

Di katulad ng mga bampira, malaya akong nakakagala sa ilalim ng sikat ng araw. Pag-aari ko ang dalawampu't apat na oras ng aking isang araw.

Bumukas ang tarangkahan.

Lumabas ang babae na aking sadya. Napagtanto ko kung bakit interesado sa kanya si Loki.

Una sa lahat, mabango siya. Humahalimuyak. Idagdag pa ang kanyang nakabibighaning ganda. Mahinhin siyang kumilos at mukhang di makabasag pinggan.

Nagtama ang aming paningin. Lumapit siya sa akin. "May kailangan ka ba?"

"Naliligaw kasi ako. Mali ang nadaanan ko. Imbes na patungong kalsada ay lalo pa akong napasubo sa loob ng kagubatan.

Ngumiti siya. Maganda ang kanyang ngiti. Kasing ganda ng sikat ng araw sa umaga.

"Mabuti na lamang at nagawi ka dito. Ito lang ang bahay sa pusod ng kagubatan. At—kabisado ko ang daan palabas. Papasok ako sa eskwela ngayon kaya't pupunta ako sa bayan."

Masayahin siya at mukhang positibo ang pananaw sa buhay.

"Kung ganun ay maaari ba akong sumabay sayo?" tanong ko.

"Halika na." yakag naman niya.

Naglakad kame. Ito na ang tamang panahon upang tanungin siya.

****

Serenity's POV:

Magaan ang loob ko sa estrangherong kasabay ko patungong bayan. Mas gusto ko talagang maglakad kapag papasok ng eskwela; at ngayon lang ang unang beses na may kasabay ako.

May hitsura ang estranghero, mas matanda siya ng bahagya kaysa kay Loki, pero bahagya lang. Batam-bata siya at puno ng buhay. Maganda ang kanyang tindig at matipuno. Nakasuot siya ng uniporme ng ibang eskwelahan at di ko matukoy kung saan.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko.

"Ako si Fenrir. Ikaw?" kakaibang pangalan.

"Ang pangalan ko ay Serenity."

"May gusto sana akong itanong sayo—" ani Fenrir.

"Sige.. Ano yun?"

"Ano mo si Loki?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kilala ng taong ito si Loki? Alam kaya niyang bampira si Loki?

"B-bakit?"

"Ang totoo niyan Serenity, bunsong kapatid ko siya."

Nagulat ako. Wala namang binabanggit si Loki tungkol sa pamilya niya.

"—Kung ganun, isa kang—"

Umiling iling siya sa akin.

"Nagkakamali ka. Pero hindi na mahalaga yun. Ang importante ay sagutin mo ang mga tanong ko."

Syempre hindi ko maaaring ibigay kaagad sa kanya ang tiwala ko. Paano kung kalaban pala siya ni Loki na mapanlinlang?

"Ikinalulungkot ko ngunit wala akong maibabahaging kahit na ano.."

Hinarapan niya ako. Kinakabahan na tuloy ako. "Nawawala anga alaala ni Loki at tinutuklas ko ang misteryo sa likod nun. Kailangan ko ng tulong mo. Ikaw lang ang may kakayahang makalapit sa kanyang damdamin."

Tinitigan ko siya sa mata. Nakita ko naman doon ang kanyang kaseryosohan at sinseridad.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

Umalis sa harap ko si Fenrir. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Magtanung tanong ka sa kanya. Ng tungkol sa kanyang pamilya ngayon. Aasahan kita."

Tinapik niya ako sa aking balikat. Paglingon ko sa kanya, wala na siya.

****

Tyr's POV:

Nakarating sa aking kaalaman ang kumakalat na balita tungkol sa mamamaslang na ang pangalan ay Loki.

Agad akong kumilos upang kumpirmahin ang usap usapan.

Kahit pa delikado para sa akin ang direktang sikat ng araw, di ko alintana iyon. Mainam na gising ako kahit kailan.

Upang maprotektahan ang aking sarili mula sa sikat ng araw, binabalot ko ang aking katawan sa makapal na benda at pagkatapos ay nagsusuot ako ng itim na roba.

Sinisigurado ko na walang sinong tao ang magagawi ang paningin sa akin.

Iyon bang tipong kahit nasa gitna ako ng lansangan na puno ng tao ay walang nakakapansin sa akin.

Isa iyong kakayahan ko bilang bampira.

Sa araw, tagamasid lamang ako.

Pagsapit ng gabi ay inaalis ko ang benda at saka ako sasabak sa labanan.

Matagal na akong lumalakad sa mundong ibabaw na iisa lang ang tungkulin— Ang magbaba ng hatol sa mga nagkasalang bampira.

At si Loki— kahit kapatid ko pa siya ay hindi ko siya patatawarin sa kanyang walang habas na pamamaslang sa aming lahi.

Wala sa hinagap ko na darating ang lahat sa puntong ito.

Sa puntong kailangan kong hatulan ang sarili kong kapatid.

Si Loki pa? Mabait siyang bata at mahal siya ng lahat.

Pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Namighati kami, lalung lalo na si Ama.

Bumalik siya paglipas ng tatlong dekada. Ngunit hindi na iyon ang Loki na aming kapatid.

Isa na siyang kriminal. Isang salot na dapat patahimikin.

Inihanda ko na ang aking sarili upang tugisin siya.

Si Loki na akala ng lahat ay siyang pinakamahina.

Walang nakakaalam na siya ang hinirang ni ama. Siya ang pinagkalooban ng natatanging puso ng panginoon ng mga bampira.

Malaki pa ang potensyal niya at habang hindi pa niya iyon natutuklasan, mainam na ngayon pa lamang ay kumilos na ako.

Lubhang mapanganib kung magising ang tunay na kapangyarihan ng minamahal naming bunsong kapatid.

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon