7th Night: Ako si Dante

13.3K 222 3
                                    

7th Night

Serenity's POV:

Nasa isang silid ako at nakatunghay sa binatang natutulog sa kama. May kakatwa sa paligid ko. Nasusunog ang unahang pader pati kisame!

Dumulog ako sa kama upang gisingin ang natutulog— anong ginagawa niya dito?!

"Loki! Gumising ka! Nasusunog na ang silid!"

Hindi siya gumigising.

"Dante.." dinig ko mula sa kanan ko. May isang batang lalaki na nakapantulog ang lumapit sa amin.

"S-sino si Dante?" tanong ko.

Itinuro ng bata si Loki.

Siya s-si Dante?! Pero paano yun nangyari?

Humarap sa akin ang batang lalaki.

"Makinig ka Serenity, mahirap ipaliwanag dahil sa kakulangan sa oras.. Pero ikaw lang ang nakatawid sa espasyong ito, at matagal na akong naghihintay.."

A-anong sinasabi niya?

Nagpatuloy ang batang lalaki. "Isa itong panaginip. Pilitin mo'ng magising. Kapag nabigo ka, posibleng ikamatay mo ito. At si Loki, hindi na niya muling maibabalik ang kanyang nawalang alaala— kailangan mong maipahayag sa kanya ang sinabi kong pangalan!"

"Paano ako gigising?" natatakot na ako.. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa sitwasyong ito! Diyos ko! Tulungan mo po ako! Pakiusap..

Lumalakas ang apoy. Malapit na iyon sa kama. Nagbabagsakan na ang mga natupok na kahoy mula sa kisame.

Pumikit ako nang mariin. Kailangang magconcentrate! Ayokong matapos lang dito ang lahat!

Gusto ko pang magpatuloy! Gusto ko pang mabuhay kapiling ang lalaking mahal ko..

Si Loki..

Loki, tulungan mo ako!

Sa aking desperasyon, sumigaw ako hanggang halos mapatid na ang mga litid ko. Sinigaw ko ang pangalan niya.

****

Loki's POV:

May masamang nangyayari kay Serenity pagkakita ko sa kanya kani-kanina lamang. Umuungol siya sa kanyang pagtulog. Binabangungot yata siya. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit kataka-takang bigo ako.

Serenity, gumising ka! Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Niyugyog ko ang kanyang mga balikat.

Wala pa rin!

Pinakiramdaman ko ang pintig ng kanyang puso. Mahinang mahina iyon at halos hindi ko na marinig.

Serenity? Lumaban ka..

Bumuka ang bibig ni Serenity, waring gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses.

Wala na akong maisip gawin!

Pinahaba ko ang aking pangil at kinagat ang sulok ng aking labi hanggang sa magdugo iyon. Itinapat ko ang aking bibig sa kanyang bibig at pinatulo ang aking dugo.

Umubo si Serenity.

Sunud-sunod.

Mayamaya ay idinilat na rin niya ang kanyang mga mata.

Salamat naman..

****

Serenity's POV:

Pagdilat ko ay nasa aking tabi si Loki. May bakas ng dugo sa kanyang labi ngunit nang tingnan ko ay wala na iyong sugat.

Teka.. May nalalasahan akong parang mapait?!

LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon