22nd Night
Serenity's POV:
WAAAAAAH!!!
Ito na talaga ang pinakashocking sa lahat ng shocking na pinagdaanan ko sa piling ng mga bampira.
May yumakap sa akin mula sa likuran. At pagtingin ko—SI ODIN LANG NAMAN YUN!
Ang ganda ko teh?
WAIT! Bakit nandito na bigla si Odin? Kanina kakapasok lang niya ng cafeteria ah?! DON"T TELL ME AKO LANG NA
NAMAN ANG NAKAPANSIN NUN?!!!
Pero hindi ako mapalagay. Ang sama ng tingin sa akin ng karamihan sa mga nandirito ngayon sa loob ng cafeteria.
Parang kasalanan ko pa ang eksenang ito----
Inalis ko ang mga braso ni kuya Odin at tumayo ako.
"Saan ka pupunta Serenity?" si Coleen yung nagtanong. First time ko siyang dineadma at diretso akong lumabas.
Naiiyak na naman ako. Bakit ba nila ako pinagkakatuwaan? Akala nila okay lang sakin yung mga ginagawa nila.
Akala nila hindi ako nasasaktan.
Mabait ako at gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan. Pero namimisunderstood nila ako. Binubully.
Haysss..
Saan ako pupunta ngayon? Saan ba nila ako hindi masusundan?
Nakakapagtampo talaga sila.. Nagtatampo ako! Kailangang marealize nila yun!
Sa rooftop ako dinala ng mga paa ko.
"--Serenity ang pangalan mo tama?" kilala ko yung may-ari ng boses.
Jusko! Wala pang 1 second akong nandito, nasundan na ko!
Dapat siguro dun ako nagpunta sa C.R. ng girls!
"--Kahit pa magtago ka sa C.R. ng mga babae, susundan pa rin kita--"
Ay ibang klase. Ikaw na ang stalker kuya Odin!
Naramdaman kong may kamay sa aking balikat.
"Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay Serenity, sasama ka na sakin sa lalong madaling panahon."
MAGTATANAN TAYO?!
Di nakatakas sa aking pandinig ang pigil niyang tawa.
Aw! Nakalimutan kong nakakabasa nga pala siya ng isip! Kakahiyaaaaa!
"--Parang ganun na nga?"
Hweeeh? Di ko expected na marunong din palang makisakay tong si kuya!
Ginugood time na naman ako!
"--Bakit ko kailangang sumama sayo?" nice question. Sige sagutin mo nga yan!
Humigpit yata ang pagkakahawak niya sa balikat ko.
"Wala kang maiintindihan sa ngayon. Basta ang tanging masasabi ko lang sa ngayon ay hindi kita
hahayaang mapunta sa kanila--"
Mabigat na ang pananalita niya. Walang halong pagbibiro. Di ko tuloy maiwasang kabahan. "--Sino sila?"
"Mga nilalang na halang ang kalooban. Gagawin nila ang lahat para umanib ka sa kanila."
Bakit ako? Ano ang kailangan nila sa isang tulad ko? Isa lang naman akong hamak na tao di ba?
"Paano kapag hindi ako sumama sa'yo?"
BINABASA MO ANG
LOKI: The War of 8 Vampire Heirs (PUBLISHED)
VampireDalawang taon na ang nakararaan buhat ng magising si Loki na walang maalalang kahit na ano tungkol sa nakaraan-at kung bakit siya naging isang bampira. Dala na rin ng masidhi niyang kagustuhan na maibalik ang kanyang nawalang alaala, pinili ni Loki...
