"Witch!" Mabilis akong naglalakad sa hallway para iwasan siya, pero mukhang naabutan ako. Ugh, Bakit ba kung kailan lagi mo siyang iniiwasan atsaka siya magpapakita?
Napalingon ako sa kanya at nagbuntong hininga. "Bakit? Ano na naman?" Mahina kong sagot, at narealize ko din na medyo mataray pala ang pagkakasagot ko sakanya. Double Ugh!! Hindi pa natatapos itong araw, andami nanamang kamalasan ang nangyayari saakin!
"Tinatarayan mo ba ako?" He looked at me like he's gonna murder me. If looks could kill lang talaga, Siguro nasa 6ft under the ground na ako. Pero sa totoo lang ,while he's looking at me with those death glares atsaka ko lang naappreciate yung itsura niya. Malalim ang kanyang mga mata, Moreno siya at matangos ang kanyang ilong. Parang lahat talaga bagay na bagay sa kanya, at halos tabunan niya na ako sa kanyang tangkad. Damn, he's perfect! Ugali lang talaga.
"A-ah.. H-Hindi. Anong kailangan mo?" tanong ko na nauutal. hindi parin mawala ang kanyang masamang tingin sakin. Antagal niyang nakatitig sa akin at bigla niyang hinablot ang aking kamay at hinila kasama niya.
Halos magtambol ang puso ko sa kaba. My Gulay, he's holding my hand! A Devil's holding my hand!! Ano nanaman tong nangyayari?? Halos lahat ng tao sa aking paligid ay nakatingin sa amin, napayuko nalang ako habang hinihila niya ako.
"D-Daniel A-anong Ginagawa mo?" tanong ko sakanya habang pilit na tinatangal ang kamay ko sa kanya. Hindi siya sumagot, ngunit bumagal ang pagkahila niya saamin ng may nadaanan kaming kumpol ng mga babae sa isang bench sa tapat ng room ng mga Grade 8.
Nadaanan namin ang isang babaengnapakaganda. Maputi ito at hindi masyadong katangkaran. Nakatingin si Daniel sakanya na parang walang expression. Tapos yung babae, wala lang. Parang hangin lang si Daniel na dumaan. Pero napatingin ito sa akin ng parang nasasaktan ito.
Nacurious naman ako kung sino iyong babae na iyon.
Tumuloy parin ang lakad namin pagkatapos daanan yung babaeng iyon, nandito na kami ngayon sa Parking, Hindi parin siya bumibitaw saakin, at doon ko napansin na malambot ang kanyang mga kamay.
Nandito na kami ngayon sa kanyang kotse, mahigpit parin ang hawak niya sa aking kamay. Tinitigan ko siya, at nakatingin siya sa likod ko na parang malalim ang iniisip. Damn, I feel like I'm a pawn, but still, Hindi ko parin alam kung anong nanyayari.
Binitiwan niya bigla yung kamay ko tapos inis na inis. "Inang yan, napakamanhid naman niya." pabulong niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. tapos tumingin siya sakin, alam niya yata na narinig ko at biglang naging cold ang expression niya.
Binuksan niya yung shotgun seat ng Kotse niya at tinuro ito. "Pasok." sabi niya.
What? Ayoko nga!
"Ayoko. Magcocomute nalang ako." Gusto niya daw na ngayon na gawin yung project para matapos ng maaga, pero ayokong magstay sa iisang sasakyan kasama siya. Baka mamaya kung ano nanamang trip niya, mamaya buhusan niya ko ng kung ano eh. Gusto ko sanang gawin next week para mapaghandaan ko o kaya ako nalang gumawa lahat, pero ayaw niya daw kasi General Practice for the League daw para sa basketball.
"Kath, Isa." Nagulat ako sa banta niya, hindi lang dahil tinawag niya ako sa pangalan at hindi Witch, kundi sa kanyang nakakatakot na tono ng boses.
Hindi na ako nagisip at nag walk-out paalis. Ayoko nga, Narealize ko din na baka kaya siya ganito sakin kasi inaallow ko siyang gawin ang gusto niya. Hindi ko din alam kung bakit hinahayaan ko eh, pero whatever, I'll do whatever the hell I want. Hindi pa ako halos nakakalayo ng biglang may humila sa akin, hinawakan ang aking binti at likod at binuhat.
Si Daniel.
"BABA MO NGA AKO!" Sigaw ako ng sigaw at pinaghahanpas ko siya, pero malakas ito. Inupo niya ako sa shotgun seat at sinuot ang seatbelt. "Behave ka nga lang. Tss" Sinara niya ang pinto at umikot para pumasok sa driver seat, saglit niya akong tinignan at binuksan na ang ignition at nagdrive.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
