Should I still do it? Parang nakakatakot na talaga itong pinasok ko. Talaga bang dapat ko ng layuan si DJ? Ugh, Kung may makakausap lang ako tungkol dito at mahingian ng advice, pero si Jules lang ang malalapitan ko. Pero ayokong sabihin sa kanya to, I don't want her to know about me and DJ.
Pauwi na kami ni Julia, 3pm palang pero kailangan niya na daw umalis para daanan yung isang business nila sa Kamuning.
"Bes, sorry ha. Hanggang dito nalang kita mahahatid kasi mauubusan kami ng oras. Isang tricycle nalang naman eh. Ingat ka ha!" sabay beso sakin.
"Naman, sige. Salamat dito ha. I owe you one" Bumaba na ako at kinawayan ulit siya.
Sa sobrang dami ng damit na pinamili sakin ni Jules, Napagisipan kong ibigay nalang yung mga hindi ko ginagamit sa mga batang ampon doon sa simbahan, Magpapasama na lamang ako kay Kuya Diego dahil kilala kaming dalawa doon. Para makabisita na rin.
Habang inaayos yung mga damit, Narinig kong nagvibrate yung cellphone ko. Hindi ko ito pinansin dahil alam kong text lang ito ng Globe o kung ano pa. Patuloy na lamang ako sa pagtutupi ng damit ng meron ulit nag vibrate, at mayroon pang isa. Kinuha ko na ito sa short ko at nakita kong may tatlong message galing kay Daniel.
From : Epal
Kath.. punta ka sa bahay. please.. emergency
From: Epal
Please, Kath.
From : Mr. Epal
Kath.. Sige na. Please. Need kita. Nahihirapan na ako.
Pero nagpromise ako sa sarili ko na titigilan ko to. Hindi na kami masyadong magcocomunicate, Baby Steps, Ika nga.
Iniwan ko muna ang cellphone ko, bahala siya jan. Nagpalit na ako ng pangtaas at tinanggal na ang sapatos. Nilagay ko sa Laundry yung marumi kong damit at bumalik sa kama para ayusin yung damit.
inaayos ko na ulit iyon, nang tumawag si Daniel.
Siguro sabihin ko nalang na di ako pwede kasi nandito si mommy, sinagot ko yung tawag at inantay ko siyang magsalita, pero walang sumagot. "Hello?" Inantay kong may magsalita ulit, Napakunot naman ang noo ko. "Hoy, Wag mo kong pagtripan ha. May ginagawa ako dito." Inantay ko ulit yung sagot niya, pero narinig ko lamang ay mabibigat na hinga. "Punta ka dito." mahina niyang sabi. "Busy ako." mataray ko namang sagot. Ano naman kaya ang problema? "Masama pakiramdam ko, Please." Napairap na lamang ako, ano namang sense ng katulong nila diba? "Nasaan katulong niyo? Ba't di ka Magpatulong?" Narinig ko itong umupo at umungol. "Please just come here." at bigla nalang niyang binaba ang linya.
Mukhang urgent talaga, Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa kanila. Mga tatlong street lang halos ang layo nila samin kaya kakayanin, medyo binilisan ko na din ang lakad sa takot na baka meron talagang masamang nangyari kay DJ.
Pinapasok ka agad ako ng Guard nila, Tinanong ko kung nasaan ang katulong nila, Lumabas daw pala lahat para mamalengke. Tumango na lamang ako at tumingin sa paligid at baka makita si Daniel. Noong hindi ko siya nakita sa sala ay umakyat na ako papunta sa kanyang kwarto.
Ayun, nakahiga. nakahawak pa sa kanyang noo.
Nilapitan ko, hindi ata alam na nandito ako. Namumutla siya. Tinignan ko siya ng mabuti at parang hirap na hirap ito, namamawis din siya. Dahan dahan kong nilagay ang aking kamay sa kanyang noo at nagulat ako sa sobrang init niya. Napaupo ako sa tabi niya at hinawakan ang leeg.
Sa panahong ito, dapat si Ella ang nandidito eh. Girlfriend niya diba?
"Sobrang sakit ba ng ulo mo?" tanong ko, tumango naman siya at ako naman ay tumayo. Pumunta ako sa CR sa loob ng kanyang kwarto at nakitang merong towel doon. Binasa ko iyon at piniga. Kumuha na rin ako ng gamot sa medicine cabinet niya.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
