Kahit na nagusap na kami ni Daniel kanina ay hindi parin maiwasan yung awkwardness sa pagitan namin. He volunteered to wash the dishes, ako naman sariling sikap na hinihilot yung paa ko sa kanilang sala. Sa sobrang sakit halos mamula mula na sya, may pagkasikip din kasi yung heels na suot ko.
Hindi ko alam kung ano na kami ngayon. Pero maliwanag naman na hindi kami nagkabalikan, may assurance na magkakabalikan pero hindi ito yung tamang panahon. It's not easy to let him go, I wholeheartedly gave all the love to him but it isn't enough... I guess?
Tumunog ang aking cellphone at nakita ko sa caller ID na si Julia iyon, Kinuha ko agad sa aking bag at sinagot.
"Hello?" rinig na rinig ko ang bass ng stereo sa kabilang linya, siguro nasa labas siya ng function hall para magkarinigan kami. "Kath, Nasaan kayo?"
"Nandito sa bahay nyo," sagot ko, bigla namang lumitaw si Daniel at tila nagtataka kung sino ang aking kausap. "Bakit?"
"Hindi na ba kayo babalik? Tumahan na ang crowd tsaka okay na si Kelly. She's waiting for you both."
Napakagat ako ng aking labi, Gusto kong bumalik pero sobrang sakit na ng aking paa. Kahit naman magpalit ako ng flats panigurado mananakit pa rin ito, siguro hindi na sanay ang aking paa sa ganitong klase ng sapatos.
"Susubukan ko, Itatanong ko din kay Daniel kung gusto niyang bumalik."
Umupo si Daniel sa dulo ng sofa kung nasaan ang aking paa, kunot noo akong nakatingin sa kanya habang ipinatong niya sa kanyang kandungan ang aking mga paa.
Agad niya itong pinisil at hinilot, napabuga ako ng hininga.
"Sige ha! Subukan mong bumalik para sabay daw kayo ni Diego umuwi. Tell Daniel to go back para may masakyan ka, wag kang mag taxi!"
"Opo, Ma'am!"
"Tse! Basta kath ha! Sige, Antayin nalang namin kayo!"
Magsasalita pa sana ako ng ibinaba na ni Julia ang linya, nagtaka pa ako at tinignan kung on pa yung call nung una. Noong kompirmadong binaba niya na nga ay inilapag ko na yung cellphone sa tabi ko.
Patuloy pa din ang paghilot ni Daniel sa aking paa, "Thank you." Panimula ko, umangat ang kanyang tingin sakin. "Sobrang sakit na talaga eh. Marunong ka palang maghilot?"
Another thing I don't know about him, hindi ko alam na marunong siyang maghilot. Trust me, akala ko talaga wala siyang alam maliban sa pagbabanda or pagbabasketball. I know he's good at math pero yung mga gawaing bahay at iba pa, wala akong alam.
I don't really know him, This sucks.
"Yeah. I always do this to my mom simula noong bata pa lang ako. Lagi din kasing sumasakit paa noon eh." he smiled, "I don't do this to other people kaya maswerte ka."
"Kahit kay Julia?"
Napangiwi siya, "As if namang hawakan ko paa non."
Natawa nalang ako sa kanya, Patuloy pa rin ang paghihilot niya at halos mapapikit ako sa sarap. His fingers can do magic!
"Next time don't wear heels, I don't like how the guys stare at your legs." Nakita kong napatingin siya sa aking legs dahilan kung bakit medyo ibinaba ko yung aking dress. Ugh, medyo maikli pa naman! Umiwas siya at binalik at kanyang paningin sa aking paa.
"Gusto mo pang bumalik doon sa party?" pagiibang topic ko, baka kung saan pa mapadpad yung usapan namin kung di ko ibahin.
"Ikaw?"
Umiling ako. "Ayoko na sana, pero kung gusto mo pa bumalik ka. Marami kang kaibigan doon baka hinahanap ka."
"They're fine, Dito nalang ako."
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
