Nineteen

103K 1.4K 71
                                        

Pagkauwi namin galing sa Newport ay pagod akong pumunta ng kwarto. Hindi parin matanggal sa Isip ko yung kakaibang kilos ni Kuya. Ayaw niya ba kay Daniel? Pero how about kay Kuya Diego? Sa past girlfriends non, pinagmamayabang niya lagi yun kay Kuya Sam. Pero ngayon parang halos di niya banggitin ito sa kanya.

Napahinga na lamang ako ng malalim at humiga sa aking kama.

Pagkatapos naming kumain ay nagikot ikot pa kami dahil namiss daw ni Daddy ang Pilipinas, Namili rin dahil gusto lagi ni daddy ispoiled si Mommy. Bago kami umuwi ay kumain kami ng dinner sa isang seafood restaurant.

Kaya pagod kaming lahat at nagpuntahan na sa aming mga kwarto. It's nice to have them all here under the same roof, Sobrang sarap sa pakiramdam na buo kayong pamilya. Magkakasama lagi.

Tinignan ko ang aking cellphone at tignan kung may mensahe ba si Daniel. Ang huli nitong mensahe ay kaninang alas-kwatro, sabi niya matutulog daw siya dahil drowsy daw ang iniinom niyang gamot.

Alas otso na at mukhang tulog pa rin ito, Tinext ko ito at sinabing nakauwi na ako at balak ng magpahinga.

Ginawa ko na yung Night Routine ko, pagod na ako para bumaba pa at tignan kung nasa baba sila. Paniguradong nasa sala ang mga iyon dahil narinig kong tumatawa sa baba si Kuya Diego. Malakas kung humalakhak iyon, Isa sa pinaka nakakairita sa kanya.

Humiga ako ng aking kama at nagscroll lamang sa aking mga social media, wala naman masyadong ganap maliban sa mga pictures ni Benj kasama si Kelly at Yen na pumunta ng Gramercy. Hindi ba't 18 years up lang yon? Sa bagay, 18 na si Benj. And Yen and Kelly acts mature for their age and they have a lot of popular friends, they can cut in. Agad naman akong nakatulog noong gabing yon.

Napahikab ako habang nasa loob ng kotse ni Daniel. Sabay kaming papasok at balik nanaman sa Regular class ang aming klase. Siguro hindi pa kami deretsong magkaklase at may mga hangover pa ng Intrams.

Okay na rin ang pakiramdam ni Daniel na ikinasaya ko naman, Napatingin ako sa kanya at nakitang seryoso siya sa pagmamaneho. I stared at him at tinitigan ang maganda niyang mukha. I love everything about him, even his flaws.

Napatingin ito sakin at kumunot ang noo. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong nito. Tumawa lang ako at tumingin ulit sa daan. "Para gumanda umaga ko."

"Bakit ang lambing mo yata ngayon?" Pangasar niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Excuse me, Lagi akong malambing. Ikaw nga jan hindi."

"Hindi ako naglalambing through words, Kath."

What? Tumingin ako dito at tinignan ng mabuti ang kanyang emosyon. May Iba pa bang meaning yung sinasabi niya? "What?"

Tumingin siya sakin saglit at bumalik ang tingin sa daan, Natawa yata sa aking ekspresyon. "Ibig kong sabihin ginagawa ko through action ang lambing, hindi sa salita, What are you thinking about?"

Napatahimik naman ako don. I know what he's talking about. Pero tama siya, naglalambing siya through actions. Lambing din ba yung ginawa namin noong isang... araw?

Napapikit ako at hinilot ang aking sentido. "Wala. Lutang nga ako eh. I don't know."

Deretso kami sa aming classroom pagkarating sa School, Tama nga ang aking hinala na may hangover pa sa Intrams ang mga estudyante and ilang teachers, Yung ibang teachers naman na terror ay talagang balik na sa pagaaral, Binigyan na nga kami ng task, Pinagagawan na kami ng Reviewer at Ibinigay na yung Pointers para maagang makapaghanda sa nalalapit na exams.

Lumipat ako sa upuan katabi ni Yen, Nakipagpalit ako sa lalaki nyang katabi at pumayag naman ito. Kinumpara ko ang sinulat kong pointers sa naisulat niya, Dinectate lamang ito kaya hindi ako kampante.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon