Nakarating kami ni Kuya ng hindi nagiimikan, I know he wants to bombard me with questions. Pero siguro dahil sa expresyon ko hindi nya na tinanong. Buong byahe pauwi ay may takas na luhang tumutulo sa aking mga mata, agad agad ko naman iyong pinupunasan. I rarely cry infront of my brother, pero mukhang exception tong ngayon. Tangina naman kasi, Ang sakit sakit.
Ni hindi ko nga alam kung bakit kinaya ko pang marinig yung mga pinagusapan nila kanina. For the whole time, Parang pinaglaruan nila akong lahat.
Ako naman nagpakatanga, Pero who would know right? Ang galing nilang magpanggap.
I don't know how Daniel does it, Kung siguro artista sya, hakot na hakot na sya sa award dahil sa galing ng acting nya! Naiinis din ako, I let myself fall so so hard. Kaya ayoko ding pumasok sa Isang relasyon eh. Bata pa ako, I shouldn't feel like this. I should be living my teenage years and spare the heartbreaks for later.
But fuck, I love him so much.
Bumalik nalang ako sa katotohanan noong bumakas ang pinto ng kwarto ko, napatingin ako doon at nakitang pumasok si Kuya Diego. Inayos ko ang upo ko at nakatayo lamang siya sa harap ko.
I know he'll ask about it kaya pinangunahan ko nalang siya.
"Makikipagbreak na 'ko."
Nanlaki ang mata ng kapatid ko noong sinabi ko iyon sa kanya, Akala niya siguro mageexplain ako, Hindi yung biglang ibabato sa kanya yung salitang iyon.
I'm tired, Sawa na akong makipaglokohan. Ititigil ko na 'to kesa maglaro pa kami.
I need to guard my heart, I've risk enough. I don't want to risk again and receive something not worth fighting for.
Napahalukipkip si kuya at magkasalubong ang kilay, "Kailan ka pa nya niloloko?"
I shrugged, Di ko din alam. Baka matagal na and I was just too blinded with what I feel about him. Tumayo ako para kunin yung cellphone kong nasa ibabaw ng bookshelf.
Tinext ko si Daniel ng mabilisan.
Meet me at Mini Stop malapit sa School, 6pm.
Umupo si Kuya sa kama ko at nakatingin pa rin sakin, napakunot ang noo ko. Hindi ako komportable sa tingin niya, mukhang kinikilatis yung kaluluwa ko eh. I raised my eyebrows "Ano? Ba't ganyan ka makatingin?"
Napapikit siya at Umiling, "Wala. I wanna break his fucking face so bad, Pero kung ano mang kagaguhan yung pinaggagawa niya alam kong may dahilan siya don. Tell me kung gago lang din rason niya, I would gladly take a slap from Julia basta makita ko lang na nangingitim na mata niya."
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi, "Kuya!"
"What? Sinabihan ko na sya noon na wag kang lolokohin, He broke it so I think he deserve the punch I've been saving." Magsasalita pa sana ako pero lumabas na agad ito sa aking kwarto.
Nakatitig lamang ako sa pintuan, Nakakatakot. I've never seen my brother like that or even utter those words. Nakita ko na siyang nakipagbangayan noon, He's skilled kasi nagtake sila noon ni Kuya Sam ng Taekwondo noong middle school palang kami.
Napabuntong hininga nalang ako.
Sakto lang din na nagvibrate ang cellphone ko noon, He replied with a simple okay. Tinitigan ko lamang iyon, It's going to be his last text to me.
Mayroon pang isang oras bago ako makipagkita kay Daniel kaya bumaba nalang muna ako para kumain. Walang tao sa bahay maliban saming dalawa ni Kuya Diego at yung isa naming kasambahay, dumeretos ako sa kusina para uminom ng tubig ng marinig ko yung kotse na papasok sa aming garahe, nilapag ko yung baso at dumeretso doon. Si Kuya Sam lang pala.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
