Seventeen

108K 1.4K 81
                                        

Maaga kaming pumasok para sa last day ng Intrams. Championship na ng lahat ng mga laro at naisipan naming manuod na sa laro ni Daniel. Si Yen lamang ang kasama ko dahil may laro din dito mamaya sina Julia at Benj. Si Kelly naman ay may laban sna ginaganap sa Audio Visual Room.

Umuwi na kami kaagad kahapon kasama si Julia dahil meron pa nga kaming kinabukasan. Hindi ko na naabutan si Ken at mukhang hindi na ito bumalik sa lamesa. Nakangiti naman ang kanilang Ama sakin at sinabing gusto daw niya ulit akong makasama sa Dinner. Pumayag naman ako.

Maingay ang buong Gym, May mga nagchecheer para sa mga Grade 9 at meron naman sa mga Grade 10. Tahimik lamang kami ni Yen doon ng tumabi samin si Coleen.

Hindi ko alam kung papaano pa siya pinayagan na makapasok kahit na naka dalawang buwan na kami ngayong taon, Hindi ko na iyon naitanong pa pero nalaman ko namang Outstanding Student si Coleen kaya siguro siya tinanggap dito, or baka may connection..

"Ang init naman, Sana Open field nalang ang Gym nyo." Reklamo niya. "Pero sabagay, madalas kasing umulan dito kaya okay na rin yung covered court."

Binigyan ko ng bottled water si Coleen, mukhang init na init ito dahil namumula ang kanyang mga pisngi. Halos lahat ng tao sa aming paligid ay nakatingin sa kanya, Naninibago siguro.

Siniko ako ni Coleen noong pinapanood ko ang laban ng Grade 8 at 9, "Is that Miguel? Yung kasama natin sa club?" sabay nguso niya sa kabilang parte ng Gym habang sinasara yung kanyang bottled water, Sinundan ko naman iyon ng tingin. "Oo, Bakit?"

"Crush mo no?" Asar ni Yen, Napairap naman si Coleen dito. "Di no, Kanina pa kasi nakatingin dito eh."

Tumawa ako at kunwaring kinikilig. "Naks naman, May Lovelife kaagad si Coleen!" Inasar namin ng Inasar ni Yen si Coleen, Todo tanggi naman ito at Ilang beses kaming binantaan na ibabato niya saamin yung bote ng tubig.

Mayroong malakas na pito na naganap, Magsisimula na ang laban ni Daniel. Napasigaw ako ng malakas at pumalakpak. Lahat kami nagcheer at noong nahanap niya ang aking mata sa dami ng tao ay ngumiti siya at nag flying kiss.

"Ang gay." tawa ni Coleen.

Kinabahan ako noong una dahil natambakan sila ng 10 points, Nakabawi naman ito dahil sa tatlong 3 point shot na nakagawa ni Daniel at magaling na pagssteal ng kanyang ka team mate na si Isaac. Si Kuya naman ay nakita kong nakastand by at nasa bench lamang, Pinapasok lamang siya noong malapit na matapos.

Bawing bawi sila noong nakapasok si Kuya. Tagatak na ang pawis ni Daniel at napakagat ako ng labi. He looks so damn hot kahit na pawis na pawis. Sobrang messy ng kanyang buhok at konting nakabukas ang kanyang bibig, parang humahagilap ng hangin. Seryoso din ito sa kanyang paglalaro.

Natapos ang laro ng may 8 puntos na angat ang grupo ng mga seniors, malakas ang sigaw ng mga tao at tuwang tuwa ang mga players. Pumalakpak naman kaming lahat at hinila kami ni Coleen papunta sa kanila.

"Congrats, J!" Bati ni Coleen noong nakalapit na kami. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, lumipat ang kanyang tingin sakin at hinila ako papalapit sa kanya. "Congrats, Babe." Sabi ko at mabilis na binigyan siya ng halik sa labi. Narinig ko naman ang hiyaw ng kanyang teammates at natawa nalamang ako. "Saan ka after?" tanong niya, kinuha ko ang kanyang towel at pinunasan ang kanyang mukha. "Lunch siguro, tapos babalik ako para panuorin si Julia at Benj. Ikaw?"

Kinuha niya na ang towel sakin at humablot din ng tubig sa kanyang gilid. "Sasamahan ka, Wala na akong gagawin."

Pagkatapos niyang magpalit ay niyaya ko na si Yen at Coleen na pumunta sa Cafeteria. Doon na nagkita si Yen at Xander, Napagalaman din naming nanalo si Xander sa Chess at tuwang tuwa naman itong nilambing ni Yen.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon