"Naiinis ako sayo kath! Akala ko mabait ka! Bakit ganon? Sinira mo promise mo! Napaniwala mo ako! Bwisit ka! Pumasok kalang sa buhay ko eh nagkaletche letche na! Can you please stay the fuck out of my life!? I don't need you! DJ doesn't need you because he obviously still loves me!" Sa lakas ng kanyang pagkakasampal ay napaatras ako sa pader at biglang tumulo ang luha.
"I trusted you kath! You're such a whore! Who knows kung anong pinaggagawa niyo ni DJ sa loob ng kwarto! You're so gonna pay for this, You dirty whore!" sabay alis na siya.
Now I'm the bad guy. Lagi nalang akong nasa gitna nila, Hindi ba nila inayos to? Mahal naman nila ang isa't isa ha? Bakit ganon? Bakit?? Ginawa ko na ang lahat, Pinipilit kong lumayo sa kanya pero siya naman ang lumalapit sakin, Anong gagawin ko?
Umuwi ako ng bahay ng humihikbi pa, Binuksan ko ang aming pintuan at nadatnan si Kuya na nanunuod ng TV.
"Kath? ba't namumula pisngi mo? Ba't ka umiiyak?" Natatarantang lumapit sakin si kuya at hinawakan ang magkabila kong pisngi, pinunasan niya ang mga luha ko.
Yumuko nalamang ako at ngumiti. "Wala to kuya, nakabangga ako ng poste habang nagtetext. syempre masakit. pero okay na ko. akyat na ko ha." sabay akyat sa taas, tinawag niya ulit ako pero sinarado ko agad ang pinto at nilock para hindi niya na ako tanungin pa.
Itutulog ko nalang to. Hindi ko na talaga kakausapin si Daniel kahit kailan. Kahit ikamatay niya pa, Ikakamatay ko rin naman siya eh. Hindi ko na yata mabilang yung mga taong nananakit sakin, Hindi ako marunong lumaban, yun lang ang mali sakin. Hindi ko talaga basehan ang kabayolentehan bilang panlaban.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit at humiga na lamang hanggang sa makatulog.
Maaga akong nagising dahil Linggo ngayon, Maaga akong naligo at nagpalit ng isang simple spaghetti strap white dress, Tinignan ko ng maigi yung mukha ko kung namamaga ba ito, mukhang hindi naman halata na namamaga ito kaya dumeretso na ako sa baba.
Naabutan kong Cereal lamang ang nakalagay sa aming lamesa, naglagay na ako sa bowl at nilagyan ito ng gatas. Bigla namang umupo sa harap ko si kuya at tinitigan ako, mukhang hinuhuli kung okay lang ba ako kaya nginitian ko lamang siya at nagpanggap na walang nangyari.
"Magpapasama ka pa rin ba mamaya sa ampunan?" tanong ni kuya.
Konting damit lamang iyon, dalawang malaking plastic siguro kaya baka kung may lakad si Kuya, Okay lang na ako nalang magisa.
"Kung wala kang lakad, Sige. Para bisitahin na rin natin sina Father. Pero kung wala okay lang dalawang supot lang naman yon eh." sabay subo ng pagkain.
"Nako, Matutuwa talaga ang iyong papa kapag nalaman niyang tumutulong ka sa mga ampon. Panigurado pag uwi nila ni Sam eh sasamahan ka pa noon." Abot tenga ang ngiti ni mommy ng umupo sa tabi ko, suot niya ang kanyang glasses at hawak ang kanyang tablet sa kamay.
Kumain ako at dinalian na, 15 minutes nalang eh magsisimula na ang misa. Buti nalang tapos na si Kuya at madali kaming nakaalis, Hindi daw makakasama si Mommy gawa ng marami pang gagawin, Ipinangako kong ipagdadasal ko nalamang siya at bilhan ng sampaguita ang santo namin.
"Dalian mo, Kuya!" Inayos ko aking seatbelt, habang si kuya ay nilalagay pa ang mga supot sa likod na upuan, Umalis na rin kami kaagad para makaabot sa misa.
Hindi kami masyadong nagtagal pagkatapos ng Misa, Binigay ko lamang yung supot kay Sister Nely at nagpasalamat siya sakin. Hindi kami makakabisita sa mga ampon dahil mayroon daw itong camping sa Taytay, Sayang naman, gusto ko panaman sana silang makita. Binati narin namin sina Father at iba pang pastor, Si Kuya ay talagang kilala dito dahil naging Church Choir siya for 14 years, Tumigil lamang ito noong naging busy na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1118424-288-k387239.jpg)
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...