Twenty Eight

84.1K 1.1K 110
                                        

Kinaumagahan ng Birthday ni Kelly ay maaga akong nagising dahil sa pagkatok ni Kuya Diego, sinabi pala sa kanya ni Julia na nag message siya sa akin kagabi para doon maghanda sa kanila. Hindi ko iyon napansin dahil pagdating kahapon ay nakatulog kaagad ako, sino ba namang hindi mapapagod kay Colleen? Lahat na ata ng mga boutiques tinignan niya pati mga jewerly stores.

Ginawa ko na ang morning rituals ko at nilagay ang susuotin na dress sa aking duffel bag, kasama na din ang susuotin kong heels. Casual lang naman ang tema ng party pero gusto kong classy pa rin tignan at yung heels ang magdadala noon.

Tahimik ang buong byahe namin papunta sa bahay nina Julia, marahil sa antok o kaya'y kinakabahan ako dahil may mataas na chance na makikita ko si Daniel doon.

Is he back in his old ways? Yung naguuwi ng babae sa kanila?

"Tahimik mo yata?" Biglang salita ni Kuya. Napabaling lamang ako sa kanya at nginitian sya.

"Pagod lang kuya, ang sakit sa paa noong lakad namin kahapon ni Colleen tsaka ni Miggy."

Nakakapagod naman talaga, parang ayoko na ngang isipin eh. Noted, hindi na ako sasama sa kanila kapag magshoshopping. Pero panigurado akong wala pa sa kalingkingan ni Miggy yung pagod na nararamdaman ko ngayon, alam kong mayroon pa silang pinuntahan ni Colleen bago ako umalis.

Hindi na nagsalita si Kuya noon, siguradong halata naman sa itsura ko kasi kahit na nakaligo at nakaayos na ako eh wala paring tatalo sa lalim ng mata ko at sa miya't miyang paghihikab ko.

Laking pasasalamat ko din noong dumaan kami ng McDo Drive Thru, hindi pa kasi kami kumakain ng umagahan kasi nga ang bagal kong kumilos kanina. Inorderan ako ni Kuya ng Pancakes at Coffee para daw mabuhay ang diwa ko.

Nakarating na kami agad sa bahay nina Julia, inabot din sa kanya ni Kuya yung paper bag na may big breakfast yata at hot choco. Hinalikan niya ito sa noo at napangiwi naman ako doon. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag nakikita kong may ka PDA kapatid ko.

"Oh? Mukhang andaming plants na kaaway kagabi ah." Bati sa akin ni Julia at bineso ako, natawa ako sa sinabi niya. "Oo nga eh, at the end wala rin akong nakain na brains."

"Nag nenerd talk nanaman kayo, tss. I need to go, magpapagas pa ako at car wash." Sabay turo ni Kuya sa labas. "I'll be back, okay?"

Tumango na lamang kaming dalawa ni Julia. Inantay muna naming makaalis si Kuya bago umakyat sa kanyang kwarto. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Daniel bago ipihit pabukas ni Julia ang kwarto niya, bukas ito at mukhang walang tao. Napakagat nalang ako ng aking labi, bakit ko ba sya hinahanap? diba iniiwasan ko nga siya?

Mukhang napansin naman ni Julia ang pagkatingin ko roon, tumawa siya ng mahina at nakangiti "Cute mo, halatang hinahanap mo pa din kapatid ko kahit wala na kayo."

Nagtaka naman ako roon, alam kong hindi ko pa nasasabi na wala na kami ni Daniel sa kanya. She's been so busy with school and her volleyball game kaya bihira ko nalang syang makita. Nakonsenya naman ako doon dahil sobrang malapit ako kay Julia, I feel like hindi ko na sya nasasabihan ng mga bagay na dapat alam nya din.

Umupo kami sa kanyang bean bag at kumain muna, I decided to open a topic sa mga namiss nya. I wanna tell her everything, kahit na kapatid siya ni Daniel.

"Paano mo pala nalaman na wala na kami?"

Umiinom siya non at nagsenyas na antayin ko siyang matapos uminom, halos matapon naman yung dala nyang bottled water noong nilapag niya iyon sa pagmamadali.

"Duh! Alam ko kapag broken hearted si Daniel! He keeps on playing loud music sa room niya at laging umiinom? Na confirm na yung guess ko noong may nakita akong nagtext sa kanya, booty call."

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon