Four

125K 1.6K 191
                                    

"What? Mukha mo. Magisa ka." Sinimangutan ko siya. Ayoko na talaga ng mga kiss or kung ano pa mang involve sa mga labi. Sobrang nakakatrauma, Ayoko na. Lumihis ako ng tingin at tinignan yung papel na pinagsusulatan ko kanina, sana may matapos na kami ngayon.

Tumahimik lamang siya, May iniisip siguro. Pero nevermind, tinuloy ko yung pagsusulat kahit masakit yung kamay ko.

Ilang segundo ay bigla niya akong tinawag. "Kath.."

Lumingon ako sakanya and...

He kissed me.

Napasigaw ako, Tinulak ko siya at tumawa naman siya. "DJ NAMAN EH. ANO BA YAAAN. ANG KULIT KULIT MO!" Sabay kurot sa pisngi niya. Tawa siya ng tawa. Ako naman halos sumabog na sa inis sa kanya.

"Sorry na kath, sarap mo lang inisin eh." Sa sobrang inis ko, Napatayo nalang ako at padabog na umalis.

I walked out. I deserve a crown, 'Walk out Queen'

Bumaba na ako ng hagdan, Thank God at hindi siya sumunod. Habang pababa ako ay nakasalubong ko si Julia na nakatingin sa kanyan cellphone, Napaangat ito ng tingin sakin at ngumuso. "Bes! Nandito ka pala! You didn't tell me na pupunta ka. Nakakapagtampo" ayon, kunwari nagtatampo. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko lamang. "Ah! Hindi ah! Promise, Biglaan to. kasi yung project nga diba!" Sabay ngiti sakanya, Ngumiti nalang din siya saakin.

"Samahan mo ko bukas sa mall, Deal?" sabi niya, Pumayag naman ako para naman makabawi. Di ko ma masyadong nakakabonding to eh. Utang na loob ko na din kasi siya lang yung naging tunay kong kaibigan at tinatakbuhan after noong pool scene.

Dumeretso na akong umuwi pagkatapos non, Hindi na ako sinundan ni DJ. Buti nalang.

Pagkauwi ko ng bahay, Sigaw agad ng kapatid ko ang narinig ko. "Kaaaaaath, Baby Kaaaaaath." sabi ni kuya, halos mamula ako sa hiya, ayoko ng tinatawag akong baby!

Kapatid ko sa tatay si kuya diego, Halos magkasing edad lamang kami nito. Hindi kailanman nagalit si Mommy kay Kuya Diego dahil wala siyang kinalaman sa ginawa noon ni Papa. Mayroon pa akong isang kapatid na si kuya Sam, Nasa California siya at doon nagaral. Dapat ay doon kami ni Diego pero ayaw ni Mommy.

Hindi ko din alam kung bakit ayaw niya.

"Bakit kuya? wag mo kong tawaging baby. malaki na ako." Humalukipkip ako at tinarayan siya.

lumapit siya sakin tapos niyakap ako, May kailangan ito. Ganito siya sakin kapag mag gustong kunin o ipatulong sakin. Baka gusto niyang pagtakpan ko siya kay Mommy? "Help mo naman ako kay Julia oh."

Namilog ang aking mata sa narinig. Kay Julia?

Tinulak ko siya ng konti at tinuro. "HA! I knew it! You like Julia! Halata ko na yon!" Tumawa lamang ako at siya naman nakangiti lang na natatawa din.

"Sige, Sige, tutulungan kita kay Julia." Tuwang tuwa naman siya at niyakap ako. "THANK YOU BABYYYYY!" sabay kiss sa cheeks. nako, I knew he wants something. Malambig siya kapag may kailangan.

Umakyat na ako para makapagayos at makatulog na, hindi na ako kumain dahil nakakain narin naman ako kina Daniel. Noong nakahiga na ako ay tinignan ko ang aking cellphone.

3 messages.

From : Mommy

Kath, sa Sunday pa ako uuwi. sabihin mo sa kuya mong wag umalis ha. nandito ako ngayon sa IloIlo. ang daming research para sa work eh. Love u baby.

From: Sam

Heard mom's gonna be away for 3 days? I lock niyo ang bahay ha. I miss you bunso, Uuwi siguro kami ni Dad in a few months. Pasensya na kung minsanan ko lang kayo itext, Magfifinals na kasi kami eh. Tell Diego to PM me on facebook. Ingat kayo ha. Love you.

From: Epal

Hey, Kath. What's with the walk out? Susundan sana kita pero nakauwi ka na. You left your bag, I'll give it to you tomorrow. Goodnight :*

Napailing ako, Wala ako sa mood para magreply. Nagopen lang ako saglit ng social media at nakatulog na.

Nagising na lamang ako noong may tumatawag saakin. Agad ko itong sinagot at di tinignan kung sino, Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Julia. "BES! Di ka pa ba gising? 11am na oh! Papunta na ko sa bahay niyo, Dalian mo!"

Nabigla ako at agad tumayo para magshower. Nagsuot na agad ako ng cropped top at shorts with my white converse tsaka cap. Bumaba agad ako at nakita na nagmessage si Julia. Dumaan nalang daw ako sa bahay nila at joke lang daw yon para bilisan ko yung galaw ko.

Napasimangot ako at naglakad papunta kina Julia. tinext ko narin siya na papunta na ako.

Noong nasa harap na ako ng bahay nila, Nagdoorbell na ako at pinapasok naman ako ng Guard nila. Lumapit sakin ang katulong nila at binigyan ako ng tubig, Antayin ko lang daw si Julia dahil nasa taas pa daw ito.

"YAYA. ASAN NA YUNG BLUE NA POLO KO?" Nagulat ako sa sigaw ni Daniel sa taas, Pagkatingin ko sakanya eh napatakip kaagad ako ng mata.

naka boxers lang siya!

"ANO BA YAN, DJ!" sabi ko hapang nakatakip ang mata. hindi siya nagsalita tapos, nung inalis ko yung pag ka takip sa mata ko, nakita ko siyang nakatitig sakin. "Ano?" Ughh, Nakashirtless siya.

"Fuck, Ang ganda mo.." narinig kong binulong niya.

Namula ako sa sinabi niya at lumihis ng tingin. "Thanks.." sabi ko.

tapos sinundan ito ng kanyang tawa siya. "ANG GANDA MONG ILAMPASO."

Tinignan ko siya ng masama. I knew he's gonna do it.

tawa lang siya ng tawa, inirapan ko nalang. badtrip.

"Nanjan ka na pala, Hindi sinabi sakin ni Yaya. Tara na, Para maaga tayong makauwi." Nagmamadali niya akong hinila.

"San kayo pupunta?" tanong ni DJ. Sa Sememteryo, Hahanapan ka ng space doon. Kainis.

"Sa Mall lang, See you later baby bro!" Natawa ako sa sinabi niya, Baby bro? More like Baby Demon.

Sobrang sakit ng paa ko, Andaming pinamili ni Julia. Nagulat nalang ako ng binilhan niya din ako, Sinubukan ko itong tanggihan pero mapilit siya. Nakakahiya kasi talagang mamahalin yung mga binibilhan niya.

"Nakakapagod." Madrama kong sabi at napaupo sa bench. "You're so weak! Wag ka munang umupo kailangan pa natin ng shoes!" Mapilit na lamang akong tumayo at ininda yung hapdi ng aking paa. Gagawin ko to para makabawi, diba?

Halos lahat ng tao pinagtitinginan si Jules. Sobrang ganda kasi, Mukhang foreigner talaga tapos ang ganda pa ng porma. Nakakapangliit talaga, Ako naman simple lang talaga ang porma, Morena pa ako at plain ang buhok.

Napatingin ako sa isa pang pinagtitinginan ng mga tao, Teka, si Ella. Kaya siguro pinagtitinginan ng tao, Mukhang model kasi sa ikli ng dress.

"Kath, Can I talk to you?" tanong niya ng medyo malungkot ang mukha. Bakit alam niya kung nasaan kami? Sinundan ba kami o saktong nandidito lang din siya? Natulala lamang si Jules dahil kilala niya kung sino si Ella. Um-Oo na lamang ako at sumonod sa kanya papasok ng malapit na CR.

"Bakit, Ella?" mahina kong sabi noong sinarado na yung pintuan ng CR. kinakabahan ako. "Kath, Pwede layuan mo na si DJ? bago ka pa mapahamak?" sabi niya sakin."Ha? Bakit naman?" tanong kong mahina. naglakad siya ng konti paatras sakin.

"Nasasaktan kasi ako eh." tapos bigla siyang umiyak. sinaktan kaya siya ni DJ? Mahal niya pa, pero bakit di balikan ni DJ? Magparaya na ba ako? "I-I'll try. I'll do my best. Wag ka lang umiyak." I feel like they still love each other, at misunderstandhing lang. Feel ko pawn lang ako sa laro nilang dalawa. Ano ba itong pinasok ko? Dapat hindi na ako nakisali pa. "Promise?" Nawala yung iyak niya at mala anghel na ngumiti sakin, Um-Oo na lamang ako.

"I Promise." tapos nag pinky swear kami.

Tama naman ginawa ko diba?

Ngumiti ito "Thank you."

Hindi ko alam kung anong plano niya, pero alam kong meron dahil noon papaalis siya ay masama ang tingin niya sakin, at kitang kita ko sa salamin ng banyo ang masama niyang ngiti.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon