Sixteen

115K 1.3K 62
                                    

No wonder why she's so familiar din! Classmate ko noong Grade 7 si Coleen, Tatlo kami laging magkakasama noon at nagkawatak watak lamang noong pumunta siya ng California. Hindi ko na din nakontak yung Isa naming kaibigan dahil lumipat na ito ng school.

Nakangiti ito sakin at kinawayan ang aking kapatid. "Santos Siblings. Long time no see."

Tumayo ako sa aking kinauupuan at bigla akong bineso ni Coleen. "Still beautiful as ever, Kathryn." Bineso niya din ang aking kuya at tumawa. "Sino kasama mo?" tanong sa kanya ni Kuya.

Napalunok ako at tumingin kay Miggy na kanina pa nakatayo sa aking gild. "I'm with my Cousins."

Wait. Cousins? Pinsan niya si Daniel? Naputol ang aking iniisip ng biglang may dumating na dalawang tao galing sa aming likod, napaangat ang aking tingin at nakitang si Daniel iyon at Isa pang babae. Napaatras ako at mukhang napansin ito ni Daniel at napatingin sakin, saglit na namilog ang kanyang mata at napaigting ang panga.

"Anong ginagawa mo dito, Daniel?" Tanong ni Kuya.

Nakapamulsa lamang ito at nakatitig sakin. Para naman akong nanghina kaya yumuko na lamang ako. Tamang hinala ka nanaman, Kath! Magpinsan sila!

Naramdaman ko ang kanyang kamay sakin at hinila ako papunta sa kanya, napauntog naman ako sa kanyang braso ang pinalupot ang kanyang kaliwang kamay sa aking beywang. I can smell cigs and alcohol in him, with a faint smell of mint. "Kakauwi lang ni Coleen, Sinundo namin siya ni Belle, Pinsan ko, Sa Airport at dumeretso dito."

Lumipat ang kanyang tingin sa akin, Hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinatatayuan. "And what are you doing in a place like this, Miss? Ang ikli ng dress mo." Bulong niya.

Tinago ko nalamang ang aking mukha sa kanyang balikat. "Hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko, Tinanong na kita kung kani kanino, Daniel. Walang may alam kung nasaan ka. I got bored so I tagged along with my brother." Mahina kong sagot sa kanya.

"Kayo?" Narinig kong tanong ni Coleen. Lumingon ako sa kanya at kuryoso itong nakatingin sa akin. "Yeah.." Narinig ko namang sagot ni DJ.

Dahan dahang umangat ang mga ngiti nito. "Cute."

Hindi na umalis sa tabi ko si Daniel buong gabi. Kasama narin nina Joseph at MJ si Belle at Coleen na sumasayaw na ngayon sa Isang kanta. Nawala nalamang sa paningin ko si Miggy at si Ericka naman ay nakaupo sa isang lounge chair at busy sa kanyang cellphone. Kumuha ako ng finger good na nasa mesa namin at kinain iyon.

"Hindi ko nadala phone ko sa pagmamadali. Sorry." bulong sakin ni Daniel dahil sa malakas na music. Pinatuloy ko na lamang ang pagkain ng hawak kong Chorizo Fries.

Naramdaman ko namang ibinaba niya yung dulo ng aking damit. "Ang ikli." narinig kong sabi niya. Hindi naman ito maikli dahil medyo above the knee ko lang ito. "Hindi naman maikli, Mahaba na nga yan eh." Natatawa kong sabi.

Umiling siya at hinubad ang suot niyang Leather na Jacket na suot, Ipinatong niya ito sa aking kandungan. "Dapat mga maxi dress ang sinusuot mo."

"OA mo. Kasama ko naman si Kuya."

"Kahit na. Next time wag kang sumama lalo na kapag wala ko. You shouldn't be here in the first place. Uminom ka ba?"

Uminom ako ng soda bago sumagot, nakatitig pa rin ito sakin. "Rose Wine."

"Kahit na, Wine can still have an effect. You're barely 18."

Napairap naman ako. "Mag 18 na ako in 2 Months, DJ."

"Still."

Lumipas na ng dalawang araw pagkatapos ng gabing iyon. Sa kanila yata magsstay si Coleen o kaya's kila Belle daw na taga QC lamang. Nasa Gymnasium na kami para panuorin ang laban ni Jules at Benj sa mga Grade 8. Kahit na Grade 8 ang kalaban nila ay sobrang competitive pa rin nito. Medyo intense ang laban dahil Mix na ang Boys and Girls kaya napabilang doon si Benj. Ani ni to "Mixed" naman daw siya kaya kahit All Girls ang laban ay pwede siyang pumasok.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon