Ten

126K 1.7K 196
                                        

Noong pagkauwi ko ay saktong nakauwi na si Kuya. Pagod na pagod ito pero niyaya pa akong manuod ng TV, Isang Chick flick ang pinanuod namin at kinuwento niya ang mga nangyari. Sinundo daw nila ang dalawang kaibigan ni Jules sa bulacan at dumeretso sa Fontana doon sa Pampanga. Isa iyong Beach Resort at sinabi niya na gusto niya daw akong kasama kapag bumalik siya doon kung sakali, Naexcite naman ako. Gusto ko ding magswimming pero malayo pa ang summer.

Kinaumagahan, Maaga akong nagising para ituloy yung pangatlong essay. Pagkatapos noon ay naligo na ako at naghanda para sa School, Nauna ulit si kuya kahit na sobrang pagod gawa ng pagpapractice sa Basketball. Hindi ko alam kung bakit hindi nasama doon si Daniel dahil kasama naman siya sa liga ng school, Dadaanan niya rin ako mamaya para sabay daw kaming pumasok.

Hindi nagtagal ay dumating na siya. Nagpaalam na ako kay mommy at nilagay sa bag ko yung laptop, Kung kakayanin magtytype ako sa loob ng kotse. Pagpasok ko sa shotgun seat ay ngumiti sakin si Daniel at lumapit para halikan ang aking pisngi, "Morning, Babe."

Hindi pa rin ako sanay, kaya nakayuko akong pumasok at tipid na ngumiti. "Morning.."

Napanguso naman ito at nagdrive na. "Unfair, Call me babe din. Iparamdam mo naman na totoo to kahit pag papanggap lang ang lahat." Malungkot niyang sabi.

Napalunok naman ako at dahan dahang nilabas yung laptop. Tama nga naman, Umagree ako sa deal na to kaya kung ano dapat ang gawin, gagawin ko. "Okay.. babe."

Sa sulok ng aking mata, Alam kong napalingon siya sakin at ngumiti. Binalik niya ang kanyang tingin sa daan at nagsimula ulit akong magtype sa laptop.

"May pinabibigay pala si Jules kaso naiwan ko, baka siya nalang magbigay. Hindi ko alam kung ano yon eh. Tinatanong ko pero ayaw sabihin." Sabi nito sakin. Ano naman kaya iyon? Hindi ako nakatanggap ng text sakanya simula pa kagabi, Naisip ko baka pagod lamang iyon.

Saglit lamang ang byahe dahil walang traffic, Nilagay ko na yung laptop noong naghahanap si Daniel kung saan ipapark ang kanyang kotse. Maraming estudyante sa napili niyang parking, Yung iba nga nakatingin na sa kanyang kotse. Tinted naman ito at hindi siguro malalaman na kasama niya ako sa loob.

Sana lang talaga wala si Ella.

Binuksan na ni Daniel ang kanyang pintuan, Huminga ako ng malalim at bubuksan na sana ang pintuan ng kotse ng naunahan niya ako. Dahan dahan akong bumaba at noong isinara niya na iyon ay pinalupot niya ang kanyang braso sa aking balikat. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking ulo at hinalikan ito.

Nagbulungan ang mga tao sa aming paligid, yung iba nakangiti kaming tignan at yung iba naman ay masama.

Mayroon kaming naririnig na bulungan na hindi maganda sa pandinig, Napapikit na lamang ako at tinago ang aking sarili malapit sa kanyang dibdib. At least I feel protected around him.

Napatigil kami sa paglalakad ng may babaeng nakatayo sa aming harap, Naalala ko siya, siya yung babaeng dinala noon ni Daniel sa kanilang bahay noong nauntog niya ako sa pinto. (dahil sa aking katangahan) Nakasimangot ito.

"Still not done with your flavor of the month, Daniel?" Nakangisi nitong sabi.

Napayuko naman ako, Feeling ko aagree si Daniel sakanya. Hindi ko alam, parang ayon ang posible eh. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakitang nakaigting ang kanyang mga panga.

"I won't be over her, Marianne. Shut up. Ikaw ang flavor of the month. Hindi ibig sabihin na nasaktan ko kayo eh sasaktan ko na siya. Iba siya sa inyo." Nilagpasan namin si Marianne na nakatunganga sa pwesto niya kanina. Napahinga ako ng malalim..

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Is it just for a show, too?

Mayroong Emergency meeting na nangyari kaya dumeretso kami sa Gymnasium, Halos lahat na ng estudyante ay naroon. Hinanap namin ang aming mga kaibigan at noong nakita ko si Julia ay agad ko itong nilapitan at niyakap. "Miss you!" Sabi ko sa kanya. Nakatingin naman si Julia sa likod ko at tinignan ang kanyang kapatid ng nakangiti.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon