Isang Linggo na ang nakalipas at balik normal na ulit ang klase. Lahat kami kinakabahan dahil iaannounce na ang mga naging grades namin, Nakita ko pa si Kelly na napapakagat sa kanyang kuko at kinakabahan din sa magiging resulta.
I'm not really confident on my grades, Lalo na't noong nagkaproblema ako kay Daniel. Noong first day ay sobrang buhol buhol ang utak ko at lalo naman noong second day, hindi ko matanggal sa isipan ko yung sinabi niya sakin.
He wants me to trust him and it scares the hell out of me. Sa pagpupumilit niyang pagkatiwalaan ko siya parang merong something siyang pinapahiwatig. I tried to shrug it off, pero minsan parang linta siya sa utak ko, minsan parang iniisip ko pa na maghanda baka sakaling may mangyari nanamang hindi ko inaasahan.
Is this what love feels like? Yung parang mas nangingibabaw yung pagkatakot mo? Minsan nararamdaman kong komportable at safe ako lalo na kapag kasama siya, pero lately natatakot akong baka may Lauren na sumulpot or worst, another girl.
Naputol na lamang ang aking iniisip ng biglang pumasok ang aming Guro sa English. Tahimik kaming lahat at parang naanxious ding malaman yung marka namin. Saglit itong umupo at tinitignan ang mga exam papers namin.
Kinalabit naman ako ni Kelly, "Kinakabahan talaga ako."
I don't know why she's afraid, though. Kahit na loka loka itong babaeng ito ay pursigido siya sa pagaaral. "Bakit ka naman natatakot?"
"You know her," nginusuan niya yung aming guro na tahimik na nakaupo sa harapan. "Kapag mainit dugo niya sa estudyante, talagang ibabagsak niya."
Napairap naman ako don. Pwedeng ireklamo ang ganyang mga guro "Sigurado naman akong hindi nila magagawa yon, Bakit naman siya magagalit sayo?"
Magsasalita na sana si Kelly ng biglang tumayo ang aming Guro.
"Abuella, Francheska. 83%"
Nagsimula na siyang magannounce ng aming grade, Isa isa namang tumayo ang mga kaklase ko para kunin ang kanilang papel. Yung iba natutuwa sa kanilang nakuha, habang yung ilan naman ay medyo nalungkot. Mahirap na kasing humabol kapag hindi namin naipasa yung term na ito, siguro naging grade conscious ang mga kaklase ko dahil malapit na nga kaming mag college.
Lumabas na kami ng aming classroom para mag Lunch. Si Kelly at malungkot na nakatingin sa kanyang test paper, ngumiti na lamang ako at hinawakan ang kanyang braso. "Cheer up, Kels! 87% is not too bad."
Tinago nito ang kanyang exam paper sa kanyang shoulder bag. "Naiinis lang ako, dati kay Sir Buenaventura laging nasa 90 grades ko. Simula ng si Hag Monster ang naging teacher natin sa English bumababa ako." Nakabusangot nitong paliwanag, "Wala kang mahahanap na grade sa bunganga mo, Kelly." ginaya niya ang boses at ekspresyon nito, natawa lamang ako.
"Di bale, Inggit lang yon. Paano siya walang kausap kasi sobrang sungit, Ikaw sobrang daldal kasi masayahin at palakaibigan."
Tumawa kami papuntang Canteen. Naabutan naming nakaupo doon si Daniel sa kabilang table namin na may gitara at may kasamang tatlong lalaki, hindi ko ito kilala sa pangalan pero sa mukha kilala ko. Umupo kami doon at napabaling ako kay Julia na nakikipagtawanan kay Benj.
"Anong meron?" tanong ko, Napabaling ako sandali kay Kelly para kompirmahin ang pinasabay kong order at bumalik ang tingin ko kay Julia. "Ah, Sasali yata sa Battle of the bands."
Wow, Sasali siya? Akala ko nahihiya siyang kumanta sa maraming tao kaya lagi siyang sa Music Room tumatambay, ngayon parang napagtagpi tagpi ko na ang lahat, siguro nagpapraktis siya doon. And no wonder why these guys looks familiar, nakasalubong ko siya noon kasama sila na may mga dalang gitara.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
