Thirty One

89.2K 1.2K 128
                                        

"Kaaaath, Sige na. Gusto kong kainin ulit yon samahan mo na ako, please?"

Halos tusukin ko na ng ballpen si Daniel sa kakapilit sakin. Three weeks after noong birthday ni Julia niyaya ko si Daniel na kumain kami ng sisig sa paborito kong kainan. Noong una ayaw niya noon kasi baka hindi daw masarap dahil mura lang, pero noong natikman niya naka tatlong order siya.

Buti hindi nga inatake ng high blood tong lalaking to eh.

Napairap ako sa kanya at tinanggal yung kamay niya sa braso ko, "Chill! Nagsusulat ako wag kang malikot!"

"Samahan mo na kasi akooo." Malambing niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin at tahimik na kinokopya yung notes namin sa English subject. After naming kumain non, daig pa ng babae yung cravings niya doon. Patuloy pa din ang pamimilit niya ng biglang pumasok si Julia sa room namin.

Napatingin siya samin habang dahan dahang nilalapag yung bag niya sa Isang arm chair, "Oh? Anong problema niyan?" sabay nguso sa direksyon ni Daniel na ngayon ay nakapatong na ang ulo sa kanyang braso, parang natutulog.

"Gusto ng sisig, Marami akong ginagawa."

Tumawa ito at lumapit sakin para tignan yung kinokopya ko. "Hay nako, Daniel. Magpasama ka nalang kay Diego or sa kaninong kabanda mo. I saw them sa lockers, may pinagtitripan."

"Ehh, Gusto kong kasama si Kath."

"Wow, Bakit mas clingy ka ngayon compared noong kayo? Baliktad naman ata?" Tumawa si Julia sa kanyang sinabi, napaangat naman ng ulo si Daniel at binato yung kanyang panyo sa direksyon ni Julia.

"Fuck off, German."

Ako naman ang natawa sa sinabi ni Daniel. Fresh pa din sa utak ko yung pag german ni Julia noong nalasing siya. Mayroong part sa sarili ko na gustong ulitin yung sinabi niya kaso kapag pinapaalala ko, napipikon siya.

"Ha ha, Funny. Go to hell."

Lumipas ang dalawang buwan, Ganon pa din kaming dalawa. Masaya ako kasi maraming memories kaming nagawa ni Daniel na magkasama together.

First, he asked me out in the middle of the night. Nakapajama ako ng sunduin niya ako sa bahay. Nagulat nalang ako kasi pagbaba ko non, sinalubong na siya ni Mommy na nakangiti pa sa ka akin ng makita ako.

Akala ko hindi niya ako papayagan but she shove me away! Naka pajama pants at tshirt lang ako non.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang inaayos ni Daniel yung seatbelt ko. May kinuha siya sa backseat at isang black jacket iyon. "Wear this okay?"

"Sagutin mo tanong ko! Saan tayo pupunta at bakit ganon nalang ako ibigay ni Mommy sayo?"

He didn't reply. Instead dinivert niya yung attention ko like playing songs sa Aux niya o kaya kwento niya about sa rabbit na binili niya daw kahapon at inaalagaan sa bahay nila (na hindi ako naniniwala) pero noong pinakita niya yung picture sa phone niya, I didn't shut up for the whole ride na hindi ko namalayan na nasa Tagaytay kami.

Kumain kami sa bulaluhan at sabi niya Date night daw namin. Nahihiya pa ko sa damit ko non kasi may mga kumakain na pamilya doon.

"Picture?" the waiter asked habang kumakain kami. Agad na ibinigay ni Daniel yung iPhone niya sa waiter.

Later that day, he posted it to his instagram and facebook with the caption surprised my girl to a fancy date. more to come, i love you @kathwinchs

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon