Thirty Two

93K 1.1K 124
                                    

Lahat sila sobrang busy na para sa Prom.

Prom. Lahat siguro ng mga millennials hindi palalagpasin yung araw na kung saan pwede silang magsuot ng eleganteng gown at heels. Kahit ako, I'm looking forward to it. But, I don't know... Do you sometimes get that feeling where you wake up but instead of looking forward to it, you get anxious?

Ganon kasi nararamdaman ko.

"Kailangan kong pumunta ng Greenhills mamaya para mag book na ng renting about sa gown," kwento ni Julia. "May praktikal kung rent kaysa bumili, ang hirap mag maintenance ng gown kapag nasa closet lang, Yen."

Patuloy pa din sa pagtusok ng tempura si Yen habang nakikinig kay Julia. Pinagalitan kasi siya nito dahil bumili ng worth 20 thousand gown si Yen. Julia, as our mother hen, got so upset because 20 thousand is enough allowance to last for a year.

Nakangiti lamang si Kelly sa kanilang dalawa na alam kong gustong tumawa. Kung tutuusin, mas matanda si Yen sa amin. She is exactly a year and 1 month older than I am pero kina Julia at Kelly months lang.

Kapag magmamature talaga ang isang tao, madalas hindi ito nababase sa tanda mo.

"I'll sell it nalang after I use it." sagot ni Yen, "Maybe 5k less than the original price?"

Julia just shrugged, "It's your choice."

"Ikaw Kelly? Meron ka na ba?" tanong ko naman para maiba ang atensyon ng topic. Napatingin sa akin si Kelly at tumungo, "Meron na. Siguro yung mga nagamit ko nalang dati or baka magrent ulit. I don't know, di ko pa masyado iniisip. 1 week pa naman eh."

Kunwaring nagulat si Yen sa sinabi ni Kelly, Natawa na lamang kami ni Julia dahil sobrang OA nito. "1 week is not enough for prom!"

"Sinasabi mo yan kasi may boyfriend ka! Gusto mo lang magpaimpress." pagsusungit ni Kelly.

"Ano ka! Baliktad kaya, dapat ang mga single ang nagpapaimpress eh" Julia

Napairap naman si Kelly, then followed by a chuckled. "Makasalita kayo, ako lang naman single dito."

Pilyang tumingin si Julia sa katabi niyang si Kelly atsaka kiniliti ito para mawala ang simangot sa kanyang mukha. Tumawa kaming lahat sa table namin at medyo nahiya pa kami sanhi ng mas malakas na pagtawa namin.

Kasalukuyan kaming kumakain sa Isang Japanese Restaurant sa Diliman. Pinuntahan kasi namin ang kapatid ni Kelly na nagaaral sa UP dahil mayroon itong concert gig sa kanilang sunken garden kanina.

Napatingin ulit ako sa aking relo, huling text ni Daniel kanina sabi niya sakin within 30 minutes nandito na siya. It's almost an hour, I don't wanna bother him kaya pinigilan kong magtext.

"Kath, gusto mo na bang umalis? Okay lang naman kung may lakad ka pa." sabi ni Kelly sakin. Napailing naman agad ako, "Uy hindi! Inaantay ko lang si Daniel. Wala pa kasi eh."

Julia groaned, "Ganyan talaga kapag sinasama ni Daddy si DJ. Ang tagal sa office. Call him instead, Kath."

"Sinubukan ko kanina kaso cannot be reached, baka sinarado kasi nasa meeting."

"Sus, Meeting? He's only there because the Cantillana's are in there."

Bigla namang lumakas ang pintig ng puso ko ng marinig ko yon. So possible na naroon sina Ella.... that's a big chance. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

Thnago ko iyon sa buong araw na kasama ko sila. Kahit noong nanunuod kami ulit ng isa pang gig, wala pa rin ang utak ko roon at tila lumilipad.

Natatakot lang ako. Malaki ang tiwala ko kay Daniel pero hindi sa dalawang Cantillana na iyon. They can easily manipulate him, at iyon ang ayaw ko sa kanya. I tried to tell him a couple of times na they are witches (I meant it literally) but he always take it as a joke and just to lighten up the mood.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon