Twenty Four

86.2K 1.4K 290
                                        

Nagising na lamang ako sa malakas na tawanan na naririnig ko sa baba, Napakusot ako ng aking mata at nakitang wala pang alas sais pa lamang ng umaga at mayroon pa akong isang oras para tumunog ang aking alarm. Pipikit na sana ako pero biglang tumawa ulit ang mga kapatid ko sa baba, Nakasimangot akong tumayo at bumaba para tignan sila.

Nanunuod ng TV ang dalawa kong kapatid at si Daddy na tawang tawa sa pinapakitang balita sa TV. Napansin naman yata ni Daddy na bumaba ako at nakangiting sumenyas na umupo ako sa tabi nila.

My mom's in the kitchen, I can hear the plates at mga kutsara doon. Nakita ko ding naglalakad ang aming kasambay hawak hawak ang pitsel.

It's really nice to wake up na kumpleto kami, madalas kasing walang tao sa bahay. Siguro ay gabi ang duty ni Mommy at  walang trabaho ngayong araw si Daddy. Nakapambahay kasi ito.

"Ang ingay ingay niyo naman, kaaga aga." Iritado kong sabi sa mga kapatid ko, Napabaling sakin si Kuya Sam. "Di mo kasi nakita, may bagong dance challenge nanaman ngayon. Kaklase ko yon noon, Mukha siyang tanga."

"Sus, Gagawin mo din yun near future." Pangasar ko sakanya, mukha naman itong naasar kaya ihinagis niya ang throw pillow sakin. Nailagan ko naman ito.

"Nga pala, Mayroong Business Dinner ulit sa Makati, You guys are coming with me." Malalim ang boses ni papa at medyo naintimidate kaming lahat kaya napatigil ang asaran, "Casual party ba iyan, Dad?" Tanong ni Kuya Diego.

Inilapag ni Daddy ang remote at tumayo, "Yeah. Your Mom's in charge sa mga damit niyo, Tara na't magbreakfast para makapaghanda na kayo sa school."

Kahit kailan hindi ko talaga gusto yung mga Business Dinner. Maraming programs at panay tawanan ng businessman ang lagi mong maririnig. Nakaka out of place din kasi panay matatanda na ang pumupunta doon at bihira lang ang mga kasing edad ko. Noong last naming punta, Lumandi lang ang dalawa kong kapatid habang ako hindi hinayaan nila daddy na magikot.

Kumain na kami ng almusal, Wala sa mood si Mommy dahil madaling araw na itong nakauwi at kailangan nanamang umalis ng alas nuebe, Naka robe na ito at basa ang kanyang buhok. Nilalambing pa ito ni Daddy pero ito namang si mommy ay nagsusungit lang.

Pagkatapos ng umagahan ay umakyat na ako sa kwarto para magayos, Marami pa namang oras kaya noong pagkatapos kong maligo hindi muna ako naguniform at nagfacebook muna.

Nagpost na si Kelly ng kanyang invitation para sa kanyang debut in 2 weeks, White and Gold ang tema ng kanyang theme at nakita ko pa ang aking pangalan sa kanyang 18 candles, Kailangan ko palang bumili ng regalo para sa kanya, Siguro sabay nalang kaming bibili ni Kuya Diego dahil isa siya sa 18 roses.

Nang matapos kong tignan ang notifications ko, tinignan ko naman ang messages at nakitang GC lamang iyon, binasa ko iyon at nagreply ng konti at tinignan naman ang Friend Request.

Lauren Cantillana added you as a Friend: Confirm or Decline

Napatigil naman ako ng tignan iyon. Why would she add me? Pagkatapos ng ginawa niyang insulto sakin, Iaadd niya nalamang ako? Gusto ko sanang i accept, pero baka mag post ito ng nakakainsultong salita sa aking wall. But no, she wouldn't do that, right? That's so unclassy, Hindi naman siya ganong kasamang tao.

If I declined her, baka sabihin niyang pressed pa rin ako sa issue namin. She might even call me a weak, Napataas ang kilay ko sa naisip ko. Hell, I won't show her I'm weak!

Inaccept ko ang request niya, Hindi ko na tinignan ang profile niya at naglogout nalang para makapagayos na.

Habang nagbibihis ay nakita kong tumatawag si Daniel sakin, Agad ko Itong sinagot. "Hello?"

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon