Hindi na ulit kami nagpansinan ni Daniel after noon. Mukhang napansin din nina Jules iyon at medyo natahimik na din. Napatingin ako kay Kuya na parang nagtatanong at gustong malaman kung ano ang nangyari samin, Umiling na lamang ako. Baka naman trip lang ako ulit ni Daniel.
"Hindi nagpapansinan yung dalawa oh." Sabi ni Yen, Natawa na lamang yung iba at nangaasar pa. Habang ako dedma, at I'm sure siya din.
Inirapan ko lamang sila. Naasar na ako.
"Oh chill lang, Joke lang naman eh." tapos niyakap ako ni Yen, She's so sweet. That's what I like about her. Ayaw niyang may nagagalit o naasar, sinusuyo niya kaagad ito.
"May problema ba?" tanong ni Julia habang kumakagat ng pizza, Sakto namang napahikab ako. Pagod na rin ako.
"Inaantok." pumikit ako, kunwari sanang patulog na ng biglang tumama yung ulo ko sa katabi ko.
Nung una, akala ko si Benj kasi nasa kanan ko siya. Pero mukhang hindi na siya dahil humagikgik sina Yen at Kelly. Napadilat naman ako at nakitang si Daniel na ang katabi ko. Kailan pa siya lumipat sa tabi ko?
"Enjoying your pillow?" Daniel smirked, and I swear I want to punch him.
"Asa ka DJ, A-S-A." sabay humalukipkip. Tumingin ulit ako sa TV kung saan pinapanuod namin yung Divergent.
I saw him smile sa peripheral vision ko, "I like it when you call me by my nickname."
Napaikot naman yung mata ko sa inis. Ang babaw niya ha. "Kayo ha, May something na yata sa inyo eh." Natatawang nakatingin samin si Kelly, Nakatingin din si Jules samin na nilalaro yung buhok ni kuya na nasa kanyang kandungan.
"No! DJ este Daniel naman! Manahimik ka na nga lang!" sabi ko tapos inirapan siya.
Natawa naman siya at ngumiti "Tss.." sabay akbay sakin. "Ang mangangarap lang sating dalawa ay ikaw. You, Dreaming of me." napatingin ako sa kamay niyang umakbay, tapos inalis ko.
"Tigilan mo nga ako. Ang Panget mo." Asar ko pabalik sa kanya. Everything's back to normal again, yung parang wala kaming problema. I want this, Sana ganito nalang kami.
"You're talking about ugliness? Have you seen yourself?" Parang bumalik sakin ah. Kapag asaran talaga, Talo ako. Inirapan ko nalang siya at tumayo.
"Kung Compliment yan, Salamat ha." sabay kuha ng susi kuya Diego. "Kuya, Uuwi ako ng maaga. Nasusuka ako sa mukha nitong katabi ko. I'll walk, Text me nalang." Pumayag naman siya at nagpaalam na ako sa iba pa, Nasabihan pa akong KJ kasi ang aga ko daw umuwi. Sinabi ko na babawi nalang ako next time.
Huli akong napatingin kay Daniel, He's smirking at sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Lumabas na ako ng bahay, Napangiti ako sa nangyari kanina. At least we have our little time together.. I'm not sure kung mauulit pa ulit yon. Sure akong huling beses na yon. Alam ko ding hindi siya seryoso sa sinasabi niya kanina, Alam kong pangasar niya lang yon sakin para manahimik ako. But damn, I wish pangasar lang din itong nararamdaman ko. Pero hindi eh.
Naramdaman ko nalang ang patak ng ulan sa aking mukha, napatingin ako sa langit at mas lalong lumakas ang ulan. Tumakbo na ako at nakaabot sa bahay pero noong pinasok ko yung susi eh ayaw nitong bumukas.
Tinignan ko ng maigi yung susi, hindi ko masyadong makita dahil sa lakas ng ulan. "Ugh! Ang tanga ni kuya! Susi to ng kwarto niya!" Hindi ko napansin na iba yung susi, halos pare pareho kasi ang susi ng bahay maliban na lamang sa tatak.
Napaupo nalamang ako sa pavement ng bahay. Nakakainis, Lagi nalang akong buntot ng kamalasan! Niyakap ko ang sarili ko para proteksyon na din sa lamig. Napayuko ako at hinayaan ang ulan na pumatak sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...