Twenty Six

80.7K 1K 92
                                        

Sinigurado ko munang walang bakas ng luha o pagiyak ang aking mga mata bago ako umuwi sa amin, Siguro kung si Kuya Diego lang ang nandoon baka makalusot pa ako kasi alam niya naman na mangyayari ito, Pero kapag kay Kuya Samuel paniguradong hindi ako tatantanan noon.

Sinubukan akong habulin ni Daniel noong paalis na ako, Pinipilit niyang bigyan ko siya ng oras para magpaliwanag. Kalahati ng loob ko gustong marinig kung ano ang side nya, Sabi nga ni Kuya Diego mayroong dahilan ang lahat, pero ako na ang nagpumilit na hindi nalang alamin. Iniiwasan ko lang ulit makarinig ng Isang Kasinungalingan, I know we will end up with such a hopeless case.

Pagpasok ko sa aming bahay ay nasa sala ang dalawa kong kapatid, Nakatuon ang atensyon ni Kuya Samuel sa cellphone habang si Kuya Diego naman ay napansin ang aking pagdating, Umiling ako senyas ng ayaw kong pagusapan. Mabilis naman akong pumunta ng kwarto para makapagshower na para mamaya.

Kung hindi lang dahil kay Daddy, Hindi na talaga ako sasama pa. Wala ako sa mood para sumama at makipaginteract sa mga tao. Siguro sa mga kapatid ko okay lang, Pero sobrang bigat pa din ng pakiramdam ko kahit papaano. I want to stay in my cave for a long time, to heal the wound.

Pagkatapos kong magshower ay sinuot ko kaagad yung off shoulder dress na bigay ni Kuya, Maglalagay lang ako ng light make up at kukulutin ang dulo ng buhok ko. Nakasanayan na kasi naming dapat ayos na ayos kapag business dinner lang, Hindi kasi ito yung tipong between my father and his boss lang, Pang kalahatang employee to ng kumpanya nila at marami rami ang mga tao kaya gusto ni Daddy na classy kaming tignan.

Natawa nalang ako habang iniisip yon, Maayos naman talaga kami sa pananamit, pero sa ugali ng mga kapatid ko na sobrang pilyo laging napapagalitan ni Daddy dahil hindi daw iyon ang tamang asal kapag kasama na ang mga katrabaho niya.

Nagbuzz na lamang ang aking cellphone, Papatayin ko sana pero nakita kong galing pala iyon sa groupchat naming magkakaibigan.

Alexander Capistrano: Dito sa Skye, Yen.

Rienne Louise Andrade: Anong ginagawa nyo jan? Kasama niyo sina Kelly?

Alexander Capistrano: Hindi. Kami lang.

Mary Kelly Yambao: Okay lang ba si Daniel? Kailangan nyo pa ata ng isang kasama. Papuntahin ko si Benj?

Rienne Louise Andrade: Papuntahin mo na, Kels.

Alexander Capistrano: Wag na, Kaya ko na 'to.

Mary Kelly Yambao: Kath! OMG Online ka! Anong nangyari? Bakit kayo nagbreak???

Sinarado ko na kaagad yung Groupchat, pati yung messenger app. Nasa bar siya? Nakuha niya pang maginom, Baka umiinom kasi masaya siya? Masaya siya na ngayon wala nang peste sa buhay nila ni Ella.

Kumatok si Kuya Samuel sa pintuan ko, Napatingin ako at ngumiti siya. "You ready? Kakain pa tayo."

Tumango na lamang ako at kinuha yung hindi gaanong katangkad na heels na meron ako. Bumaba na agad ako at rinig na yung makina ng kotse galing sa labas. Nasa pintuan at nakasandal si Kuya Diego at nakatingin sakin, Ngumiti lamang ako at lumapit sa kanya.

"You alright?" Bulong niya. Ngumiti ako at sinabing okay lang ako.

Okay lang ako... Okay lang.

As much as I want to convince that I'm fine with it, It still hurts.

Dahil hindi naman daw sila gaanong kagutom, Kumain nalang kami ng Pizza sa Yellow Cab. Sa Kotse na namin iyon kinain habang nakapark sa labas ng Venue. Paniguradong kapag nalaman ito ni Mommy, Pagbabatukan kaming tatlo noon. Ayaw niya sa Pizza dahil mamantika ito kapag hinawakan plus she thinks it's unhealthy.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon