Pagkatapos namin kumain ay naisipan na naming umuwi. Halos limang oras din kami sa loob ng mall at nananakit ang aking mga paa sa kakalad. Tahimik lamang ang byahe at medyo traffic pa gawa ng tanghali na kaya't nakatulog lamang ako sa buong byahe.
Nagising na lamang ako at nandodoon sa kwarto ni Julia at mayroong asong dumidila sa aking kamay. Napatingin ako at nakita ko ang aso nilang Shih Tzu na si Corkie. Binuhat ko iyon at nilaro laro, Maliit ito at bagong groom lamang, Madalas itong nasa bakuran nila kaya hindi ko siya masyadong nalalaro.
Hapon na pala, Uuwi na siguro ako mamaya. Tinignan ko ang aking cellphone at nakitang nagreply si Mommy, Okay lang daw at alam niyang ligtas ako sa bahay nina Julia. Masyado kasing mahigpit ang kanilang pamilya sa bahay kaya okay lang na wala ako sa bahay.
Bumaba ako ng kanilang bahay buhat buhat yung aso nila para uminom ng tubig. Naabutan kong naghihiwa ng sibuyas si Daniel habang mayroong pinakukuluan, Marunong din pala siyang magluto? Bakit wala parin yung mga kasambahay nila?
Napalingon ito sa amin at ngumiti. "The Witch have risen." Pangaasar niya. Binaba ko naman ang kanyang aso at tinignan ng masama.
"Kung ako Witch, Ikaw Ogre." Humagikgik ako at nakita ko lamang siyang umiling. Naamoy kong Sinigang ang kanyang nilulutong ulam. Tinignan ko ulit ang orasan at napagisipang uuwi na maya maya.
"Uuwi na pala ako mamaya." Sabi ko, Hindi naman siya sumagot at kumuha na ako ng baso at naglagay ng tubig para inumin. "Sa bahay ko nalang gagawin yung step one, Transfer ko sa USB tapos iprint natin bukas after school."
Hindi pa rin siya umiimik. Talagang lagi siyang tipid pag nagsasalita ha? Dati hindi naman siya ganito. Mahilig mangasar at madaldal. Something changed noong naging sila na ni Ella. Siguro dumidistansya din siya sa akin. I understand.
"Kumain ka muna bago umalis, konti lang kinain mo kanina." Sabi niya habang nilalagay yung mga gulay sa nilulutong sinigang. "Hindi mo din kinain yung inorder kong Coffee Pie." Nanghihinayang nga ako doon. Ayoko kasi ng kape eh, Tinakeout niya nalang yon at nilagay siguro sa kanyang ref.
Hindi na ako nakipag talo at kumain nalang kasabay siya. "Bakit nga pala wala pa yung mga kasambahay niyo?" tanong ko habang nakain. Masarap ang kanyang niluto, Sobrang asim nga lang pero mas okay na ito kesa sa nakakagisnan kong luto ni mama. Kamatis yata ang ginawa niyang pampaasim. "Alam ko tatlong araw silang mawawala eh. Ganon kasi magbigay sina Mommy ng Day off, 3 days every one month." Napatungo na lamang ako, So he'll be alone for 3 days?
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para kunin yung laptop sa kwarto. Bukas ko nalang siguro ibabalik yung damit na hiniram ko kay Jules, Bumaba na ako at nakita si Daniel na nakaupo sa sofa at mukhang inaantay ako. Noong nakababa na ako ay tumayo siya, "Samahan na kita maglakad pauwi, Gabi na din halos."
"Okay lang ako, Malapit lang naman eh." Tanggi ko. Marami na siyang nagagawa sakin, and it feels weird..
"Ihahatid ka lang naman. Just let me do this, Kath." Pagod niyang sabi. Tumikhim nalang ako at hinayaan kong sumama siya sakin.
Totoo lang, hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili. Siguro ay dahil sa kulang kong experience about boys kaya ganitong buhol buhol ang aking nararamdaman. Hindi ako sanay na may taong sobrang intimate sakin, for goodness sake, He kissed me for a couple of times, Nahawakan niya pa dibdib ko! It feels bad... meron siyang girlfriend at he admitted na isa lang akong pawn na ginamit para magkabalikan sila. Pero bakit ganon? Bakit noong naging sila, hindi niya pa rin ako nilulubayan?
Napaisip din ako sa mga natamo kong sampal noon sa CR ng School, I didn't deserve that, pero hinayaan ko lang sila. Isa yon sa kinaiinisan ko sa sarili ko, I should've stood up for myself. Lalo na kay Ella, Dapat hindi ko hinayaang ginanon niya ko. Hindi ko naman ito kasalanan, Yet I'm the one who's being harrassed.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
