"So, Iniwan ka nalang nya doon?" Tanong sakin ni Kelly habang nginunguya niya yung dried mango na hawak niya, napabuntong hininga nalang ako at yumuko.
'Di ko alam kung anong meron kay Lauren at pinagtanggol siya ni Daniel. God, She Insulted me! And he's my boyfriend pero hindi niya ako pinagtanggol? Sumama siya don! Inis na inis ako, I feel like I'm walking in a walk of shame noong umalis ako sa harap ng Starbucks. Akala ko din magsosorry siya ng araw na yon. But what? It's been 32 hours pero ni hello or tuldok man lang wala siyang pinaramdam sakin!
"And Girl, Natiis ka pa nya ha. Hindi man lang siya nagsosorry sa'yo." Inis na sabi ni Benj. Tumawa na lamang ako at pinunasan ang takas na luha sa aking mga mata.
It's true, though. Natitiis niya ako, Alam niyang mali ang 'kaibigan' or kung ano pa man sa buhay niya si Lauren pero hindi man lang niya man lang ako mapagtanggol, Ako ang girlfriend niya!
Binato naman ni Kelly ng dried mango si Benj at saktong tumama ito sa pisngi niya, dahilan kung bakit iritadong bumaling si Benj sa kanya. "Tinawagan mo na ba si Julia?" tanong nito kay Benj, Kinuha naman ni Benj yung binatong pagkain ni Kelly sa kanya at mas may pwersang binato pabalik sa kanya. "Papunta na daw! Kaloka to, Kailangang mamato? Pag ako dinapuan ng langgam talagang sasakalin kita!"
Nandito kami ngayon sa bahay ni Kelly, Tinawagan nila si Julia para tanungin din kung anong nangyayari sa kapatid niya. They're close, so I guess masasagot niya yung mga tanong na bumabagabag sakin.
Sino si Lauren? Ano si Lauren sa buhay ni Daniel at Siya ang pinili nito?
Sobrang sakit ang aking nararamdaman. This is what I'm talking about, Magririsk ako para sa love, but hindi pa nga kami nagsisimula eh sakit na ang nararamdaman ko.
Nagistalk nalang sila sa Facebook habang inaantay si Julia na dumating. Kahit na nakakatuwa silang dalawa, hindi ko kayang ngumiti. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng malaking building, but all the pain is in my heart.
"Ano ba! Ang chaka mo, mag e-eighteen na ko in 3 weeks! Ipaubaya mo muna si Zac sakin!" Inis na sabi ni Kelly, nakita ko nalamang na tinarayan ito ni Benj. "Tapos after ng debut mo, kayo na? Meron tayong Girl Code na kapag dibs na ng Isa, wala ng pakialaman! I called dibs on him first, you bitch."
Akmang tatabunan na sana ni Kelly si Benj ng unan ng biglang bumukas ang kwarto ni Kelly at pumasok ang haggard na si Julia. Sinarado niya ito at sandaling tumitig samin at tumalon na papunta sa Kama.
"Oh, bakit parang ang yagoda ng peys mo Girl?" tanong ni Benj, Nakahiga lamang si Julia at hinipan ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha, lumipad lamang ito ng saglit at bumagsak ulit sa kanyang mukha.
Tumayo na siya at inayos ang kanyang buhok. "Sobrang dami naming nilakad ngayon ng tita ko. Dumaan din kami ng ADMU to take my exam."
"Ha? Talaga? Anong nangyari? Mahirap ba?" Natatarantang tanong ni Kelly.
"Anong second choice mo?"
"Sakto lang, hindi naman mahirap maliban sa Math na feel ko wala na talaga akong pagasa. But I'm pretty confident I'll pass." napakibit balikat ito. "Health Sciences, Psychology ginawa kong back up course."
"Medicine na talaga?" Mahina kong tanong, napabaling ito sakin at tumango. "Yeah, Dream ko talagang maging Doctor someday."
Napagisipan muna naming magmiryenda, Mayroong binili si Benj na Donut kanina kaya ayon nalang ang kinain namin.
"So.. Anong ganap?" tanong ni Julia habang kumakagat sa kanyang Alcapone Donut. Tinuro ako ni Benj. "Teh, Ang iyong kapatid may katarantaduhang ginawa sa kanya."
Hinampas ko naman si Benj sa kanyang mura, "Do you know someone named Lauren?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito at tila nagiisip. "I know two Lauren's. Describe?"
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
