Halos magiisang linggo na noong away namin ni Daniel. Iniiwasan ko talaga siya, Kapag kinakausap niya ako ay yung mga importanteng bagay lamang ang sinasabi ko sakanya. Tuwing gusto niyang sumabay sakin, talagang naghahanap ako ng kahit na sino para lang iwasan siya.
Hindi ko alam bakit ganito ako, Merong parte sakin na sinisigaw na hayaan na lang at pagbigyan siya, pinagkakatiwalaan ko siya at alam kong mahal niya ako. Bakit nga ba ako nagtatampo, nagsorry na naman siya ah? Pero meron ding parte sa aking utak na kinukwestyon talaga ang lahat, na sinasabing hayaan kong kusa nyang maisip kung ano ang nangyari.
Hindi ko talaga tanggap na hindi niya ako pinagtanggol noon, hanggang ngayon parang sinasaksak pa rin ang aking puso. Hindi ko matanggap dahil sawang sawa na ako na lahat nalang tao, tinatake ako for granted dahil mapagkumbaba ako. I lowkey want someone who'll fight for me, hindi yung ako nalang lagi.
Kasalukuyan kaming nasa library at nagrereview para sa exam sa lunes. Wala kaming guro ngayon kaya hinayaan kaming umalis na lamang at bumalik next subject, alam kasi nilang mayroong hindi makapagconcentrate sa pagrereview kapag naiwan lang kami sa classroom dahil magiingay lang.
"Kath, Naibalik na ba sayo yung Module 25?" tanong ni Yen, Umiling ako. Hiniram iyon ng kaklase namin noong Isang araw at hindi niya pa iyon naibabalik. "Hahanapin ko mamaya si Marvin, Siya kasi ang humiram ng module ko."
Buong araw ay hindi ko nakita si Daniel. Tumingin ako kung saan saan para lamang mahanap siya, Mukhang napansin iyon ni Yen "Sinong hinahanap mo?"
Umiling na lamang ako. Hindi ko na siya sinagot at naglakad na kami papuntang Canteen. Nakita ko agad ang aking mga kaibigan sa madalas naming pinagtatambayan, Nakaupo si Xander sa Lamesa habang si Kelly at Benj naman ay kumakain, Si Julia ay ginagamit ang kanyang cellphone.
Wala doon si Daniel.
"Babe, Merong Lasagna sa Canteen ngayon. Ioorder ko sana kaso baka ayaw mo." Iyon ang bati ni Xander kay Yen, nakita kong hinalikan nito ang pisngi ni Xander, Napaiwas na lamang ako ng tingin.
"Jules, Nasaan si Daniel?" tanong ko sa kanya. Napabaling ito sakin at nilapag ang kanyang cellphone para inomin ang kanyang Iced tea, "Hindi pumasok, Ewan ko kung bakit. May gagawin daw siya."
Naisip ko nalang na baka mas gusto niya sa bahay nila magreview, Hindi kasi siya nakakapagreview kapag maingay. Nagpasabay na ako ng order kay Yen at Xander para makakain na din.
Sa loob ng Isang Linggo, kahit na galit ako kay Daniel ay lagi niya pa rin akong sinasabayan para kumain. Parang kulang ang araw ko na hindi niya ako kinukulit at nilalambing.
Ugh, bakit ba kasi nagpapakipot pa ako?
Siguro ay dapat magsorry ako sa kanya. Ako din naman ang mali, I overreacted over this. Napagtanto ko na sa aking ginagawa, Sarili ko lang din ang iniisip ko. Pero tama naman na ipaglaban ko ang sarili ko diba? Hindi yung basta tanggap lang kung anong binibigay sakin, I should demand the love I think I deserve.
Pinagusapan na din namin ang nalalapit na debut ni Kelly. Sa Gramercy nga niya ito gaganapin at sinabing baka hindi magserve ng liquors dahil nga meron pa siyang kaibigan na underage. Kinukunsinti naman ni Benj at sinabing kahit wine ay okay na sana, Nineteen na kasi ito at unfair daw para sa kanilang mga legal na.
Napabaling ako kay Julia para tanungin kung anong regalo ang ibibigay niya sakin, ngunit nakatitig ito sa aking likuran. "Uh, Kath. Look at your back."
Lumingon ako at nakitang papalapit sa akin si Ella. Napatayo ako para salubungin siya at ngumiti ito sakin. "Pwede ka bang makausap?"
Uh. Sure? Bakit naman kailangan naming magusap? Tumango na lamang ako at sumunod. Pasimple pa akong tumingin sa mga kaibigan ko na parang ayaw akong pasamahin, nag sign ako na 'wait lang' sa kanila.
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
FanfictionKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
