Maghihintay daw siya.
Hindi naging mahaba ang aming usapan. Natulala na lang ako noon at sinabi niyang naiintindihan niya dahil biglaan daw iyon. Alam kong kahit anong mangyari ay wala na talaga kaming pagasa, What's with us is just past, Parte siya ng nakaraan ko at ayong ipagsiksikan niya ang sarili sakin dahil masasaktan lamang siya..
Kahit noong nasa School na kami kinabukasan ay yun pa rin ang aking iniisip, Paulit ulit kong binabasa yung paragraph at hindi ko pa rin ito maintindihan.
Ayokong umasa siya.
"Kath, Meron ka bang handouts about sa Newton's Law?" Tanong ng aking kaklase na si Arisa. Hinanap ko yung handouts ko na iyon at ibinigay sa kanya. "Kulang yan ng dalawang pahina, Na kay DJ kasi eh."
"Hindi, Okay lang. kokopyahin ko lang itong History, Doon lang ako sa kabilang table ha? Nandon kasi gamit ko." Sabi niya. Tumango na lamang ako at sinimulan ulit ang pagbabasa.
Wala ngayon si Daniel dahil sa practice ng basketball, Kahit na busy siya ay dinaanan niya parin ako sa bahay at sinundo, mamaya daw ay babawi siya kapag natapos na yung practice.
Wala gaanong tao ngayon sa school, Sabado kasi ngayon at pumasok lamang ako para isubmit yung documentary review namin sa AP. Hanggang tanghali lang naman ang kanilang practice kaya dinala ko na ang handouts ko para makapagreview.
Matapos ang isang oras, napagdesisyunan kong pumunta muna ng Canteen para bumili ng makakain. Nilabas ko ang aking cellphone habang papunta roon. Nakita kong nagtext sakin si Benj at sinabing sabay daw kami mag lunch mamaya kasama si Kelly. Naisipang sumali ni Kelly sa table tennis kaya siguro sabay silang kakain.
Mayroon akong narinig na sigawan at tawanan di kalayuan, pati ang tunong ng kanilang sapatos na parang tumatakbo, lilingon na sana ako ng mayroong bumangga sakin sanhi ng pagkahiga ko sa sahig.
"Aray." Nanghihina kong sabi, naipit ang aking braso at bumangon ako para hawakan iyon, namamanhid ito at parang pumipilipit ako sa sakit.
Natahimik ang tatlong lalaking nagtatakbuhan at yung isa ay umupo para tignan ako. "Ang kukulit nyo kasi! Hindi porket walang pasok ay kailangan niyo ng maghabulan sa hallway! Aray!" reklamo ko, Inis akong tumingin sa lalaking nakabangga sakin at nakangiti pa ito. Aba't may gana pa siyang ngumiti! Balian ko kaya ng ulo to?
"Sorry! hindi kasi ako nakatingin eh, nakatingin ako sa likod ko at di kita nakita. Makakatayo ka ba?" Inalalayan niya akong tumayo pero lumayo ako sa kanya.
"Malamang makakatayo pa ko, Hindi naman ang braso ko ang nakakapagpatayo sakin eh." Mataray kong sabi.
Napakamot na lamang ito ng ulo. "Hatid ka na namin sa clinic," Umiling na lamang ako at naglakad na paalis, iniinda ang sakit. "Kaya ko na to."
Salamat naman ay hindi na ito sumunod.
Sobrang sakit pa rin ng aking braso, tinignan ko iyon at nakitang mayroon ng namumuong pasa.
Nakarating na ako ng Canteen, wala masyadong tao don maliban sa grupo ng mga estudyante na nagpapractice ng chess at iba pang board games. Pumunta na ako ng counter para makabili ng Sandwich at Orange Juice. Napalingon na lamang ako ng mayroong tumapik sa aking likod.
Nakita ko si Xander na may hawak na Gatorade, Napakunot ang noo nito ng makita akong hinahawakan ang aking braso.
"Anong nangyari jan?" Sabay hablot ng aking braso, napapikit ako sa sakit dahil sa marahas niyang pagkakahablot. "Sorry. Sorry." sabay baba dito. Napakunot ang kanyang noo. "Anong nangyari jan? May nanakit ba sayo?"
Umiling na lamang ako at kinuha yung binili kong sandwich. "Nadapa ako kanina at nadaganan ko yung braso ko. Okay lang to, mawawala din siguro mamaya."
BINABASA MO ANG
The School Player (Book 1 of Player Duology)
Fiksi PenggemarKathryn is the kind of girl who will never hurt a fly or just smile to all the people that did her wrong. She's also your typical quiet and shy girl; mahirap sa kanya ang lumipat sa panibagong eskwelahan dahil sa mga adjustments na gagawin. So when...
